Valerie's POV
Hala shet! Nakakahiya naman, hindi ko siya kilala. Huhu.
Nakita ko sila Eve na pinipigilan ang tawa. Nakatayo sila sa gilid habang pinapanuod ang pangyayari. Tiningnan ko sila ng masama. Parang hindi magkakaibigan!
"Friends, today we are gathered here today to witness the ceremony of Mr. Agilar and Ms. Loren" sabi ng pretend pari
Mama! Kawawa naman magiging anak namin, unang una sila sa recitation!
Nagpatuloy sa ceremony ang pekeng pari hanggang sa dumating na sa vows. Luh! Anong vow ko dito eh hindi nga kita kilala.
"Valerie. Alam ko hindi mo ako kilala, pero sana pagtapos ng munting kasal natin na ito magkakilala tayo ng mabuti" sabi ng lalaki
Luh, buti alam mo tol.
Tumingin ako kala Ruby at nanghihingi ng tulong gamit mata. Please! Send help.
Umiling naman sila habang pinipigilan ang tawa. Napatingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko.
"Uhm... tol mas matanda pa ata ako sayo. Grade 10 ka palang ata eh. Ano kasi-" naputol ako sa pagsasalita ng makita si Rile sa tabi ko
"May emergency daw sa bahay nila, Ms. Loren" sabi nito "Sorry, pero kailangan itigil ang kasal" sabay hila saakin palayo
Pagkarating namin sa pwesto nila Ruby tawang tawa sila saakin.
"Epic! Hahaha!" Sabi ni Eve
"Kawawa naman yung bata, iniwan ng bride" komento ni Kaily
"Ikaw bumalik don sige" pagtataray ko
"Hehe char lang" sabi niya at nag peace sign
"Three na, pwede na lumabas. Arat gala" aya ni Rile
Pumayag naman kaming lahat. Inalis ko ang veil na nakalagay sa ulo ko at nilagay sa bag. Yung bulaklak naman iniwan ko nalang sa bench, plastic flowers naman.
Nagtext ako sa driver namin na wag na ako sunduin. Sa sasakyan nalang daw kami ni Ruby, sabay sabay kami.
"Saan tayo punta mga mare" tanong ko
"Luneta!" Masayang sabi ni Eve
"Sure. Matagal tagal na rin ako hindi nakapunta roon" sabi ni Ruby
Kaya nagmaneho si Ruby papunta ng Luneta. Pagkarating namin doon naghanap muna ng parking.
Pagkatapak namin sa mismong Luneta tumakbo si Kaily papunta sa nagtitinda ng ice cream.
"Wala pa tayong isang minuto dito, pinuntahan kaagad yung pagkain" sabi ko
Naglibot libot kami ng ilang oras sa loob. Bumili si Rile nung pinapalipad na ibon dahil trip daw niya.
"Para kang tanga, bumili ka ng ibon pero hindi mo naman mapalipad" sabi ko
Kanina niya pa tinatapon sa ere yung ibon pero hindi lumilipad. Ayan, sayang pera.
"Tumigil ka nga dyan. Lilipad din toh" sabi nito habang naka-focus sa ibon
May mga nakita pa kaming nagtitinda ng bubble kaya bumili kami para sa isa't isa. Kumuha rin kami ng litrato sa harap ng statue ni Jose Rizal.
"Hays! Inaantok na ako. Gisingin niyo nalang ako kapag nasa bahay ko na. Love you all" sabi ni Kaily pagkapasok sa sasakyan at natulog na kaagad.
"Ganda nung fountain noh. Dancing fountain ata yon. May pa ilaw pa" sabay palakpak ni Eve
Natawa naman ako "Ngayon ka lang ba nakapunta ulit ng Luneta?" Tanong ko
Umiling si Eve "Ngayon lang ako nakapunta dito. First time. Ayaw daw ng pamilya ko pumunta dito kasi tinatamad sila maglakad"
Nagkwe-kwentuhan lang kaming apat, habang si Kaily sa likod ay tulog. Unang pinuntahan namin na bahay ay kanila Eve.
"Shutang inang bahay yan, gold yung gate! Seryoso ka ba?" Mangha ko na sabi
Pagkapasok ni Eve sa loob ng bahay nila umalis na kaagad ang sasakyan.
"Yep. Ang alam ko may ari daw ng publishing company ang tatay niya. Habang nanay niya naman may sariling restaurant" sabi ni Rile
Pangalawang pinuntahan namin ay kala Kaily. Pumasok kami sa isang pribadong village. Mahigpit ang security, kaya kinailangan pa magpakita ni Kaily.
Binaba namin si Kaily sa bahay niya, nakita ko na lumabas ang isang babae.
"Omg! Siya si Ms. Ginna! Yung actress!" Magha ko na sabi
Natawa si Ruby sa reaction ko "Yup. Nanay niya siya. Tapos si Mr. Bevlio naman ang tatay niya, yung actor"
Nag bye kami kay Kaily bago umalis sa tapat ng bahay.
"Shuta na yan! Hindi ko naman alam na ganon kabongga si Kaily" sabi ko
Grabe ang dami kong nalalaman!
"Susunod kaya si Kaily sa yapak ng parents niya?" Tanong ko
"Nope. Sabi niya dati gusto niya maging singer or model" sagot ni Rile
Napatango nalang ako. Sinunod nila ihatid ay ako. Pagkarating sa tapat ng bahay namin, bumaba na ako. Lumabas si mommy mula sa bahay.
"Oh nakauwi ka na pala" sabi ni mommy at napatingin sa sasakyan sa likod ko "Sino naghatid sayo?"
"Mga kaibigan ko, mommy"
"Papasukin mo. Mag meryenda sila or dito na mag dinner. 6:00 na rin"
"Tanungin ko sila" sabay lakad ko papunta sa bintana ng sasakyan
Binaba ni Ruby ang window.
"Kain daw kayo, gora kayo?" Tanong ko
"Alam ko masama tumanggi sa grasya, pero hinahanap na ako sa bahay eh" sabi ni Ruby
"Next time nalang, kapag kasama na sila Eve at Kaily" sabi ni Rile
"Sige. Ingat kayo sa byahe" paalam ko at dumistansya sa sasakyan
Nakatingin lang ako sa palayong sasakyan. Bumalik ako kay mommy na naghihintay saakin.
"Next time nalang daw kapag kasama yung iba" sabi ko
"Ganon ba. Sige. Maligo ka na para makakain na tayo" sabi ni mommy at humawak sa braso ko
"Crush mo yon?" Tanong niya bigla pagkapasok namin sa bahay
"Ha? Sino?"
Umirap si mommy "Nakita ko mukha nila. May isang babae, may isang lalaki. Tell me, crush mo yung lalake?"
"O to the M to the G! Ma, no kaya" sabi ko
Tumawa si mommy "Ganyan din ako dati sa daddy mo. Dyan nagsisimula lahat ng love life" sabay alis niya at pumunta sa dining area
Yuck! Magiging rich single tita nalang ako!

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022