Eight years later..
Nandito ako ngayon sa opisina ko at nakatingin sa mga sasakyan na nasa baba. Made of glass ang walls ng opisina ko. Puro kulay black and white ang color sa loob.
May sofa na mahaba sa kanan habang may coffee table sa gitna nito. Nasa gitna ng kwarto ang table ko. May swivel chair at dalawang upuan na nasa harap ng lamesa. Habang sa kaliwa naman may dalawang bean bag at bookshelf. For the designs naglagay ako ng halaman.
May kwarto sa loob ng opisina ko para kapag ginabi, dito nalang ako matutulog. Meron din banyo na nasa kaliwa.
Busy ako sa pagtingin sa paligid ng bumukas ang pintuan.
"Hi sissy!" Sabi nito at ginamit ang kanyang high pitch voice
Natawa naman ako "Umagang-umaga ingay mo ha"
Umupo naman ito sa isa sa mga upuan na nasa harap ng lamesa ko.
"Itong CEO na toh–"
"Acting CEO" paglilinaw ko sa sinasabi nito
Umirap ito "Whatever. Oh basta, 'ke umagang-umaga sungit mo. Ayaw mo ba sa iyong paligid ang ever-so-gorgeous Corx!"
Yes that right, si Corx nang gugulo saakin. About two years ago he came out of the closet. Her parents accepted him. And also me ofcourse!
Siya ang sinasandalan ko ng wala ako sa sarili ko eight years ago. Kaya I now call Corx as my best friend.
"Tingnan mo gaga. Ang shala ng suot ko ngayon" sabay tayo nito at ikot
Nakasuot ito ngayon ng all pink. Pink pants. Pink knee-length boots. May pink fur pa ito na hawak sa kanyang braso. Pink shades. May clip pa ito na may glitters sa buhok.
"Tangina teh. Tatalunin mo ba si Barbie" sabi ko sabay tawa
"Yas! Imagine 'Corx The Barbie'" sabay palakpak nito
Natawa nalang ako. Nagkwentuhan pa kami ng matagal ni Corx. Sabay pa kaming naglunch ni Corx sa isang restaurant sa labas.
"Mamaya mag club tayo. Pogi hunting" aya nito
Napailing naman ako "Bawal. May trabaho pa ako. Baka nakakalimutan mo"
"Ano bayan. Never ka pa sumasama saakin sa pag pogi hunting. Baka hindi ka pa nakaka-move on sakanya kaya ayaw mo sumama. Yie" pang aasar nito bigla
Umirap lang ako at uminom sa juice "Naka-move on na ako noh. Eight na lumipas gaga. Baka ibato ko sayo itong pasta ko"
"Omg no! My gorgeous beautiful face" sabi nito
Natawa nalang ako. With Corx anything is happiness.
"Basta teh sasama ka saakin ha. Wala naman kuya mo diba?" Ani nito pagkalabas namin ng restaurant
"Yeah. Hinabol si ate Mia sa probinsya nila. Kaya ako ang acting CEO as of now. Kahit lawyer talaga ako" sabay irap ko
"Oh edi pak! Pwede tayo mag club. Sure naman ako gorabells sila tita" sabi nito
"Oo na. Basta sunduin mo ako ha, tinatamad ako magdrive eh"
Pumayag naman ito. Nagpaalam na rin ito na pupunta na daw ito sa trabaho niya. Which is working as an Architect. Hindi alam sa workplace niya na gay siya. Kaya everytime nagwo-work siya nagiging lalake siya.
Ako naman ay bumalik na sa company. Pagkapasok ko binati ako ng employees which binati ko rin sila pabalik.
Simula ng mag acting CEO ako umalis muna ako sa law firm na pinagpapasukan ko. Sasapakin ko itong si kuya eh naging CEO pa ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022