COTG 12

30 0 0
                                    

Exactly 9am we have finally arrived in Mount Pulag.

"Yon oh may space" sabi ni Eve sabay turo ng parking

Minaneho ko kaagad ang sasakyan papunta doon. Bumaba kami lahat ng sasakyan. Binuksan ko ang back compartment para makuha namin ang aming mga gamit.

"Wow. Ang ganda ng araw dito" mangha na sabi ni Kaily

"True. Wait bago tayo magsimula, picture muna tayo" sabi ni Ruby sabay labas ng phone niya

Nag selfie kami using the phone of Ruby. Nakailang takes kami bago napagdesisyonan magsimulang mag hike.

Nasa simula palang kami ng mountain pero madami ng babae ang tumitingin sa gawi namin dahil kay Rile.

"Naks. Gwapo naman ni boss Rile" pang aasar ni Kaily

"Sorry, gwapo rin gusto ko" sabay irap ni Rile

"Sus. Sinasabi mo lang yan ngayon, kasi wala kang matipuhan na babae pa" sabi ko

Napatingin naman saakin si Rile "Maybe"

"Kung magkakagusto ka sa isang babae. Anong characteristics?" Tanong ni Ruby

"Hmm.. mabait, magalang, matulungin sa paligid, marunong magluto or bake, plus points nalang kung maganda and may talent" sabay kibit balikat nito

Ganon ba ako? Marunong lang ako sa pagbake, tapos maganda. Ayon lang ako sa dinescribe niya! Wait baka may talent ako, think think.

"Valerie" narinig ko na tawag saakin ni Eve

Napatingin ako sakanila at nakitang nauuna na pala ako maglakad kaya pumunta ako sa pwesto nila.

"Kanina ka pa namin tinatawag girl. Anong iniisip mo?" Tanong ni Kaily

"Excited lang ako makita yung taas ng bundok noh" sabay tawa ko

Oo teh, bawal ka umamin na iniisip mo kung pasok ka ba sa types ni Rile.

"Hi po" biglang may dalawang babae sumulpot sa tabi namin

"Pwede po pa picture" sabi ng isa sakanila

"Sure" sabi ni Ruby

"Thank you po" sabi ng dalawa sabay bigay kay Ruby ng phone

"Oh. You mean picture kayo sakanya" sabay turo ni Ruby kay Rile na ngumingiwi na at nanghihingi ng tulong

"Opo" sabi ng dalawa

Lumayo kami sa tatlo. Si Ruby naman ang nagpicture.

"One two three" sabay click ni Ruby ng camera

"Maraming salamat po" sabi ng dalawa sabay alis

"Buti nalang mabait itong si Ruby. Kung ako yon baka nabatuhan ko na ng madaming kamatis yung dalawa" sabi ko

Natawa naman sila saakin.

"Hays. Perks nga naman ng kagwapuhan" sabi ni Rile at ngumiti ng pang mayabang

"Kapal din ng mukha mo ha" sabi ko

"Baka nga magkagusto ka pa saakin eh" pang aasar nito

Kinabahan ako bigla. Omg! Alam niya?!

"Oh natameme ka dyan, Valerie" sabi ni Eve

"Akyat na nga tayo" sabi ko at naunang maglakad

Narinig ko silang tumawa sabay sunod sakin. Mga ilang oras bago kami nakarating sa tuktok.

"Wow. Mas maganda pa dito. Kitang kita yung araw" sabi ko

"Yay! Picture time!" Sabi ni Ruby at nilabas ang phone

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon