After one week, Monday nanaman. Haaays! HUMSS life.
Nasa second subject na kami, sa first subject binigyan na kami kaagad ng reporting for tomorrow. Saksakin niyo nalang ako.
"Pst, pumipikit pikit ka na" bulong ni Ruby saakin
"Nakakaantok kasi" sabi ko at ngumuso
"I feel you" sabay tawa niya
Bakit ba kasi ako nag HUMSS. Mamaaaa!!
After what seems to be like hours, natapos na ang subject. Binaba ni maam ang marker at tumingin saamin.
"So bukas may essay contest ang school. For this strand lang, sa ibang strand syempre iba na. I only need one representative for this class" anunsyo ni maam
Ay wag ako, bobo ako dyan! Paikot ikot lang topic ko sa essay.
"Si Xyiann po" sabi ng isang babae na halatang fan girl ni Rile
Nalaman ko rin mga ilang weeks, madaming fan girl dito si Xyiann. Kawawa sila, lalake rin gusto nito. Buti nalang hindi ako nagkagusto dyan, I mean muntikan na- ah basta hindi tapos usapan.
Para na akong tanga kinakausap ko na sarili ko. Kagagawan siguro ito nung mental health essay namin, lutang ako habang sinasagot yon eh.
"Valerie, tawag ka" narinig ko na sabi ni Eve kaya napabalik ako sa katotohanan
Nakita ko si maam na nakatingin saakin. Nakakahiya ka ghooorl!!!
"Yes po" sabi ko sabay tayo
"Ikaw sana ang isasalang sa essay contest, is it okay with you?"
"H-huh? A-ako po?" Sabay turo ko sa sarili ko
Tumingin ako kay Rile sabay turo sakanya "Akala ko siya ang representative po natin?"
"Baka nakakalimutan mo. President ako ng school. Kaya busy ako" sabi ni Rile at nagpatuloy sa pagsusulat sa notebook nito
SHUTA KA RILE!!!
Napatingin ulit ako kay maam at ngumiwi "Hehe maam. Ano po kasi" sabay kamot ko sa ulo "Maam, matatalo tayo promise" sabay taas ko ng kaliwang kamay
"Teh, kanan yon. Hindi kaliwa" narinig ko na bulong ni Kaily
Agaran ko na tinaas ang kanan ko na kamay. Natawa si maam saakin.
"Nakita ko mga essay mo. Maganda nga eh. Perfect grammar, spelling, punctuations, lahat. Kaya walang problema kung ikaw ang representative ng klaseng ito"
"Maganda pala yung paikot ikot ang topic" bulong ko
"Ano yon?" Tanong ni maam
Napatingin ulit ako kay maam "Ay wala po. Pero maam sure ka na ba?"
"Yes, nak. Bukas na yon. On the spot essay writing yon. You will be competing with the other HUMSS section students"
May magagawa pa ba ako, pipilitin parin naman ako sa huli eh. Huhu.
"S-sige po" sabi ko
Pumalakpak si maam "Yey! Okay done na tayo sa contest. You may now seat, Valerie"
Umupo kaagad ako.
"Good luck, Val. Fighting!" Bulong ni Kaily
Nagdiscuss pa si maam ng ibang sasabihin bago kami pinalabas for lunch.
"Ready na ako makita si Lord" sabi ko habang naglalakad kami lahat papunta sa cafeteria
Natawa naman sila maliban kay Rile na kanina pa busy sa kaka-type sa phone. Busy ah.

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022