COTG 11

32 0 0
                                    

The night ended well.. I think? Hindi naman naging akward after nung yakap session- JSKAJSAKAJKAA kinikilig ako wait.

"Nak, hatid mo si Xyiann sa bahay nila. Wala atang dala na sasakyan" sabi ni mommy

Nandito kami ngayon lahat sa sala. By I mean lahat, as in legit lahat. Parents ko and si kuya. Nakaupo sila habang kami ni Rile ay nakatayo.

"Its okay po, tita. I can grab a cab" sabi ni Rile

"Hindi na safe ngayon sa city, Xyiann. Tsaka kung may mangyare pa sayong masama hindi na magkaka-asawa si Valerie-" pinutol ko kaagad ang sinasabi ni mommy

"Ma!" Saway ko

"Ay este, mawawalan ng kaibigan si Valerie" sabi ni mommy habang nakangisi

Please, di ko alam kung nasa side ko ba si mommy!

"Xyiann's a man, Mi" sabi ni daddy

"Agreed. Hindi na siya kailangan ihatid" pag sang ayon ni kuya

"Tseh, manahimik kayo dyan. Ako na nga nagiging kupido sa love life niya" sabay irap ni mommy

"Lamunin mo na ako lupa" bulong ko sa sarili

Narinig ko tumawa si Xyiann. Kaya sigurado akong narinig niya ang sinabi ko.

"He can borrow one of our cars. And drive himself home. Is that okay with you, Xyiann?" Tanong ni daddy

"If you insist po" sagot nito

"Then its settled, you can borrow the white car inside the garage. Then I will contact our driver to get it tomorrow at your house. Is that fine?"

"Opo"

"Ano bayan. Minsan na nga lang maging kupido" reklamo ni mommy at umirap kay kuya at daddy sabay walk out

"Ingat sa byahe" pahabol ni mommy

"Lagot kayo, nagalit" pang aasar ko sabay tawa

"Manunuyo nanaman ako" sabi ni daddy at sumunod sa pinuntahan ni mommy

"Okay, may magiging PDA. Anyways, ingat sa byahe bro" sabi ni kuya kay Xyiann at nakipag man hug

May binulong si kuya kay Xyiann pero hindi ko narinig. Nag good night saakin si kuya at binigyan ako ng good night kiss sa nuo.

"Anong sinabi niya sayo?" Tanong ko

Nagkibit balikat siya at ngumisi "None of your business" sabay labas nito ng bahay kaya sumunod ako

"Damot!" Reklamo

Pumunta kami sa garahe. Binigay ko sakanya ang susi ng sasakyan.

"Thanks. Anyways, wag ka ng lalabas ng ikaw lang mag isa ha. Sa gabi" paalala nito

Nakaharap kami sa isa't isa kaya naamoy ko ang pabango niya. Smells like mint and chocolate.

"Opo boss" sabay irap ko

"I'm serious. Tawagan mo ako or magpasama ka sa dad mo or brother" sabay gulo nito ng buhok ko

"Oo nga kulet" sabi ko at hinawakan ang braso niya na nasa ulo ko ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa braso namin.

Ganito rin yung naramdaman ko dati sa lugawan. Its the same feeling. Is this what they call spark?

Nagkatitigan tuloy kami ni Xyiann. Sigurado akong naramdaman niya rin yon dahil gulat ang mukha niya.

"Tama na PDA, mamaya makita ko nalang kayong naghahalikan dyan" narinig ko na sabi ni kuya

Nababa ko ang braso namin at lumayo ng onti sakanya. Tumingin ako nang masama kay kuya na nasa entrance door ng bahay namin, which is malapit lang sa garahe.

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon