Valerie's POV
Natapos ba ang lahat ng klase namin. Ngayon ay uwian na. Naunang umuwi si Eve dahil may family reunion daw sila. Kaya ngayon, kaming apat lang ang nandito sa parking lot.
"Let's go na, Kaily" aya ni Ruby
"Magkasama kayo sa iisang bahay?" Tanong ko
"Nope. Magkapitbahay lang kami" sabi ni Kaily
"Oh ganon ba. Sige, bye. Ingat!" Sabi ko at kumaway sakanila dahil naglalakad na sila papunta sa sasakyan ni Ruby.
Kumaway naman sila bago umalis ang sasakyan. Naiwan kaming dalawa ni Xyiann na nakatayo dito sa parking lot.
"Ikaw, diba dyan ka lang naman? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko
"Sasamahan na kita, hanggang sa dumating driver mo" sabi nito at umupo sa waiting shed
Umupo ako sa tabi niya at ngumisi ng mapang-asar.
"Yiee ikaw ha. Crush mo ako" pang aasar ko
"Baka nakalimutan mo ng bakla ako. Parehas lang tayo gusto lalaki" sabay irap nito
"Oy pwede naman magbago ah. May mga nababasa kaya akong ganon, bakla dati yung lalaki pero nagkakagusto sila sa huli sa babae" sabi ko
"Sa libro lang yon. Hindi sa totoong buhay"
"Psh. Panget mo kabonding" sabi ko
"Ganda ko kaya" sabay flip hair nito ng imaginary mahaba buhok
"Sige teh. Babagyo" sabi ko "Ay by the way, diba sabi mo kanina nakasarado lahat ng facilities. Eh paano kami nakalaro?"
"Gamit paa at kamay malamang" pilosopong sabi nito
Tumingin ako sakanya ng masama at piningot siya.
"Aray! Oo na sasagot na ng maayos. Pinabukas ulit ng principal para daw magsaya ang students"
"Yon naman pala eh, sasagot din ng maayos"
Nakita ko na paparating na ang sasakyan namin sa pwesto ko. Tumayo na ako at sumunod naman si Xyiann.
"Yan na sakay ko. Bye! Ingat ka. Ay wait, gusto mo ihatid kita sa condo mo?" Tanong ko sakanya
"Wag na. Malapit lang naman"
"Weh sure na yan?" Sabay taas baba ko ng kilay
Umirap siya "Oo nga kulet. Pumasok ka na, mamaya iwan ka ng driver mo sige"
"Sabi mo yan eh. Sige bye, ingat" sabay pasok ko sa loob ng sasakyan namin
Bago umalis ang sasakyan binaba ko ang window at nag wave kay Xyiann.
"Bye, Rile!" Sabi ko
"Wag mo akong tawaging Rile hoy!" Sabi nito na ikinatawa ko
Tinaas ko ulit ang window at tumingin sa harap. Pagkarating ko sa bahay natagpuan ko si mommy na nanunuod ng isang movie sa tv.
"Nakauwi ka na pala anak. Kamusta naman ang first day of school?" Tanong ni mommy
Umupo ako sa tabi niya at humiga sa hita niya.
"May mga kaibigan na po ako mommy" sabay ngiti ko
"I can see your very happy with them. Mababait ba sila?" Tanong ni mommy habang sinusuklay gamit ang kanyang kamay ang aking buhok
"Super! Tatlo silang babae at yung isa gusto maging babae" natawa ako ng maalala ko si Xyiann
Kumunot ang nuo ni mommy "Gusto maging babae? Gay?"

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022