Months passed. One month nalang bago kami mag graduate sa Senior High. Ang bilis, parang dati lang first day of school palang. Tapos ngayon nangangamoy college na, hays.
"Hoy teh" sabay pitik ni Kaily sa nuo ko
"Aray ha" reklamo ko at minasahe ang nuo ko
"Lumulutang nanaman utak mo girl. Tinatanong kita kanina pa" sabi nito
Four o'clock na ng hapon ngayon. Nasa field kami ng school at nakatambay sa bench.
"Ano ba kasi yon?" Tanong ko
"Since bukas weekend naman. Punta tayo sa concert" sabi ni Kaily
"Concert nino?" Tanong ko
"Yung bandang patay na patay si Eve at Ruby" sabi naman ni Rile
Speaking of Rile.. ilang months na ang lumipas ngunit wala parin siyang inu-update samin kung sinong crush niya. Kaya ayorn, ang puso umaasa.
"Ah yung Enchanted?" Tanong ko
Tumili naman bigla sila Eve at Ruby habang tumatalon pa. Confirmed, sila nga.
"Ack! I got us lower box tickets!" Masayang sabi ni Eve
"Don't worry, ako ng bahala sa pagkain" sabi ni Ruby
"Makikita ko na sa wakas si Drew!" Tili ni Eve
"Sa wakas masisilayan ko na ang aking one and only Jion!" Masayang sabi ni Ruby
"Oh ano Val? Sama ka?" Tanong sakin ni Kaily
"Sure why not. Wala naman akong plans bukas" sabi ko
"Its settled ha. Bukas at ten am sharp. Send ko nalang sa group chat natin ang venue" sabi ni Ruby
Tumango nalang kami. Nagkwe-kwentuhan pa kaming lima ng biglang kumaway si Eve.
"Corx!" Sabi nito
Napatingin ako sa harap namin. Siya nga. Speaking of Corx. Almost four months na ako nitong nililigawan. Ewan ko ba dyan, sabi ko wag na dahil siya lang din ang masasaktan. Eh anong magagawa ko, pursigido talaga. Hay nako.
"Oh siya. Bebe time na nila. Bye Valerie. Kita kits tomorrow. Love you!" Sabi ni Ruby
Sabay-sabay naman silang umalis. Akala ko aalis na rin si Rile ngunit may kinuha ito sa bulsa niya at binigay saakin.
"O iyo na yan" sabi nito sabay bigay ng red velvet box
"Para san?" Tanong ko
"Ay baka sa kapatid mo teh. Malamang para sayo diba" sabay irap nito
Kinurot ko naman siya sa bewang. Ayon nasaktan. Buti nga sakanya, namimilosopo eh!
"Para sayo" napangiti naman ako ng wala sa oras "Wag ka assumera, binigyan ko rin sila Eve. Bye na" sabay walk-out nito
Assumera ka kasi yan tuloy.
"He's gay right?" Tanong bigla ni Corx na nakamasid sa papalayong Rile
"Ang alam ko. Pero last two months pa ata ang nabalitaan ko na may gusto siyang lalaki eh. Ngayon wala na" sagot ko sa tanong niya "Ay, upo ka pala hoy" sabi ko
Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko "No need. Treat sana kita dahil next month graduate na tayo"
"Yun oh!" Masaya ko na sabi sabay tayo kaagad
Natawa naman siya saakin.
"Sa luga-" napatigil ako sa sinasabi ko dahil may naalala akong memorya
BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Rastgele(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022