COTG 9

33 0 0
                                    

Dumating na ang oras ng program. Pinilit ko mag focus ang akong isip para makasagot ako ng mabuti sa essay.

Unfortunately una daw sasalang ang essay contestants. Haaaay kung minamalas nga naman!

Kaya nandito na ako ngayon sa ibabaw ng stage. Binigyan kami ng kanya kanyang lamesa at upuan na may papel, lapis, at pambura.

"Good afternoon, beloved students. For our first program the essay writing contest. The contestants will only have five minutes to write. And they will be given one question to answer. Twenty five sentences are required" sabi ng principal, tumingin siya saamin at nagsalita "Are the three representative ready?"

Tumango kami lahat.

"Then, let the contest begin. Five minutes starts now"

Mabilisan ako tumingin sa papel ko kung nasaan ang tanong. Okay, Valerie think think.

Habang nagsusulat naririnig ko ang kanya kanyang hiyawan ng mga students. Mga may pa-flag stick pa ang iba.

"Go Valerie!" Narinig ko na hiyaw ng mga kaklase ko kaya mas lalo akong ginanahan

Kaya mo toh, para sakanila.

"Spell maganda!" Narinig ko na hiyaw ni Ruby

"V-A-L-E-R-I-E!!" Hiyaw ng mga kaklase ko

Napatingin ako sa pwesto nila at natawa. Natigil ang pagtawa ko ng makita ang suot ni Rile.

Mukha ko ang naka-print sa damit niya. Habang may banner na nakalagay "Valerie all the way!"

"Done" narinig ko na sabi ng isa ko na kalaban

"Section Florite of HUMSS is now done" announce ng principal

Bumalik ako ng tingin sa papel ko at nakitang nasa pang-20th sentence palang ako.

"You have three minutes left" sabi ng principal

No more distractions.

Nagfocus ako sa pagsusulat ng essay. Habang nagsusulat napadaan bigla sa isip ko ang suot ni Rile. Put yourself together, Valerie!

Hindi ito ang time para isipin ang crush mo!!

Napatigil ako bigla sa pagsusulat. Crush? Okay okay, I feel a little attraction pero hanggang doon lang yon.

"Done" sabi ng isa ko na kalaban

Shuta ako nalang natira! Kailangan ko ng tapusin.

Naglagay pa ako ng limang sentence bago ko narinig ang timer. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inabot sa principal ang papel ko.

"Now that the essay contest is done. Let's begin our next contest which is for the STEM students, a quiz bee" sabi ng principal

Bumaba ako ng stage. Hinanap ko kaagad ang upuan nila Ruby. Nakita ko na kumakaway siya kaya agad akong pumunta sakanya.

Pagkalapit ko sakanya niyakap ko siya at umiyak.

"Hala, bakit ka umiiyak?" Nag aalala na tanong ni Ruby

"Talo tayo" naiiyak ko na sabi

"Shush. Wag mo sabihin yan, hindi dahil nahuli ka ng pasa ikaw ang talo. You did great" sabi niya habang sinusuklay gamit kamay ang buhok ko

Nakayakap lang ako sakanya habang nakaupo kami. Kaya nakagilid ako sakanya ng onti.

"Thank you, Ruby" sabi ko matapos umiyak

Kumalas ako sa pagyakap at pinunasan ang mga mata ko. Biglang may panyo na nilahad saakin sa harap.

Napatingin ako kay Rile na kanina pa pala nakatingin saamin. Bigla akong nahiya.

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon