Habang nasa byahe malalim ang aking iniisip. I don't know if I should feel happy because finally their friend– well Rile's ex is now alive and breathing. Or should I be concerned because now she is alive. And there is a chance that the two may go back together.
Naptingin ako kay Rile na halatang nagmamadali talaga papunta ng hospital. I know I may be selfish but, it hurts on how he look right now. Parang gusto niya makipagbalikan na silang dalawa.
Umiwas ako ng tingin ng may gustong kumawala na luha. You're stong, Valerie. You are a Loren.
After a few minutes of being on the road we finally arrived at our destination. Bumaba si Rile ng sasakyan at naunang pumasok sa ospital.
Doon na ako tuluyan umiyak. Nakalimutan na niya ako. Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ako nag-ayos ng mukha at binuksan ang pinto.
Nakasalubong ko pa si Kaily na mukhang papalabas palang ng ospital.
"Oh nandito ka pala, Val. Kasama mo si Xyiann?"
Tumango ako habang pilit na ngumingiti.
"Nauna na siya. Iniwan ka sa sasakyan?"
"Ah oo. Pinauna ko na, may binili pa kasi ako sa 711" pagdadahilan ko
Tumango lang ito "Ganon ba. Sige samahan muna kita papunta sa room"
"Wag na mukhang may pupuntahan ka pa eh. Ako nalang, sabihin mo lang room number"
"Sigurado ka?"
Ngumiti lamang ako kahit gustong-gusto ko na umiyak.
"Yep"
"Sabi mo yan ha. Second floor, room 231. Pagkalabas mo sa elevator makikita mo kaagad yon sa kaliwa"
"Thank you. Ingat ka ha" sabi ko bago umalis
Habang naglalakad papunta sa elevator nararamdaman ko ang mga titig ni Kaily saakin. I hope she did not notice.
Pagkapasok sa elevator pinindot ko ang number two button. Gaya ng sabi ni Kaily pagkabukas ng elevator pupunta ako sa kaliwa at makikita ko na ang kwarto.
Huminga muna ako ng malalim bago hinanda ang ngiti ko. Pagtapos ay kumatok ako. Binuksan naman ito ni Ruby na gulat ang nakalagay sa mukha.
"Nandito ka pala. Kasama mo si Xyiann?" Tanong nito
"Yeah. Pinauna ko na siya, may binili pa ako eh"
"Ganon ba. Pasok ka" sabi nito at binuksan ang pinto
Sana pala hindi nalang ako pumunta. Ang nasabi ko ng makita ko sila Rile at Emilia. Nasa gilid si Rile na nakapikit at mukhang nagiisip habang nasa tabi ni Emilia na tulog.
"Kanina nagising na siya. Tinawagan ako ng magulang niya. Puro daw Xyiann nalabas sa bunganga niya kaya pinapunta kaagad kami dito. Nakatulog lang ng maayos nung makita na niya si Xyiann" kwento ni Ruby
Parang may kumirot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Ruby. Looks like their love for each other was still there.
Napa-angat naman si Rile ng tingin saamin. Napatayo naman ito at akmang lalapit ng umiling ako. She needs him.
"Okay lang. May binili pa ako eh" pagdadahilan ko
Puno ng pag-aalala ang mata nito. Hindi ko alam kung para saakin, o para kay Emilia.
"By the way, Valerie. Pwede ka ba namin iwan dito kasama si Emilia? Bibili lang sana muna kami ni Xyiann ng mga pagkain sa baba"
Kahit labag sa loob ko pumayag ako. Kaya ngayon kami lang ni Emilia ang nasa kwarto. Umupo ako sa tabi niya at nakita kung gaano siya kaganda.
BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022