Nagulat ako ng biglang binuhat ako ni Rile. IN A BRIDAL WAY!
"H-hoy! Ibaba mo nga ako! Mata natamaan tangeks. Hindi paa" sabi ko
Ngunit hindi siya nakinig at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating kami sa clinic. Kumatok ito sa pinto. Pagkabukas ng pinto bumungad ang gulat na nurse lalo na nang makita ang ayos namin.
Namula naman ang buong mukha ko. Nahihiya pero kinikilig aminin mo self!
Pinapasok kami ng nurse "Lapag mo siya doon sa hospital bed" sabi nito
Tumango naman si Rile at hinawi ang curtains. Bumungad ang puting kama. Dahan dahan akong nilapag nito sa kama.
"Parang gago kasi. Kaya ko pa naman maglakad" sabay irap ko kahit kinikilig na talaga ako
"Knowing you, mabagal ka maglakad. Kapatid mo ata ang pagong" sabay 'tsk' nito
Wow ha!
"Kapal. Kung hindi lang kita crush baka binugbog na kita" binulong ko na lamang ang huling linya
Ma-friend zoned pa ako ng wala sa oras. Hindi pa kaya ng lungs- este heart.
"Eto ice bag, Xyiann" sabi ng nurse at inabot ang ice bag
"Thanks, tita" sabi ni Rile "Wag ka makulit ha, ako na maglalagay nito sayo" sabi nito saakin
"May kamay ako" sabi ko at inaabot ang ice bag
Nilayo nito saakin iyon at sinamaan ng tingin "Stubborn"
"Hoy! Anong stubborn" sabi ko
May tumikhim bigla kaya natauhan ulit ako sa realidad. Napatingin ako sa nurse na nakangisi saamin ngayon, more like kay Rile nakangisi.
"You're father will be happy to know that you already have a girlfriend" sabi nito kay Rile
G-girlfriend?! Wait dapat tinatama ko yon pero bakit kinikilig ako.
"H-hindi niya po ako girlfriend" sabi ko habang umiiling
Napatingin siya saakin habang may nagtataka na titig "Oh really? Pasensya na iha. Akala ko kayo eh, sweet niyo pa naman" sabi nito
"At ikaw" sabay tingin nito kay Rile na naglalagay na ng ice bag sa mata ko
"Bagal mo kumilos. Hmp. Parang ikaw yung tatay mo nung kabataan nila ng mommy mo. Torpe rin katulad mo, kung hindi pa nagkaron ng manliligaw mommy mo noon hindi pa siya gagalaw. Gosh! Like father like son. Anyways, toodles. Happy PDA" sabay alis nito
"Tita mo siya? Mukhang bata pa" komento ko
"Yeah. She's already 29 year old. Younger sister ni dad" sagot nito habang dinadampi ang ice bag sa mata ko
"Married?"
"Nope. Balak ata ni tita maging rich single tita"
Natawa naman ako bigla "Masasabi ko ng cool aunt siya"
Ngumiti ng bahagya si Rile "Yeah. Siya ang pinaka-close ko na tita"
"Eh ikaw? Balak mo ba rin tumulad sakanya?" Tanong ko
"Nah. I mean, I respect her decision on her life. Pero ako I want to be married and have a family" habang nagsasalita ito nakikita ko ang pagningning ng kanyang mga mata
Nawa'y maging kami. Amen. Char.
"Oh ano. Tapos na ba getting to know stage niyo?" Biglang bumukas ang curtains at bumungad ang tita niya na kumakain ng chips.
Nagulat kami parehas ni Rile. Pumunta sa tabi ko ang tita niya at sinuri ang mata ko.
"Okay na yung mata niya. Hindi na masyadong maga katulad kanina. Pero advice ko parin na magdampi ka ng yelo paminsan minsan para tuluyan ng mawala. Get it?"

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022