COTG 28

35 2 0
                                    

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ko habang seryoso ang mukha

Baka akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya saakin dati.

"C-can I talk to you?" Tanong nito

Nararamdaman ko ang pagtingin nito saakin. Ngunit hindi ako tumitingin pabalik. Manigas siya dyan!

"Ano sa tingin mo ang sagot ko?" Pagtataray ko

Huminga ito ng malalim "N-no" sabay yuko nito

"Edi buti alam mo" sabi ko

Saktong bumukas na ang elevator. Buti naman, kala ko pati elevator kakampi si tadhana eh.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ng condo ni Corx hinawakan ako nito sa braso. Nagulat ako dahil sumusunod pa pala ito saakin.

"Please" sabi nito

"Hindi na ako ang mahinang Valerie na kilala mo. Tandaan mo lahat ng tao nagbabago. Umuwi ka na, Mr. Vandermon" sabi ko at pinihit na ang pinto ngunit napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi nito

"I miss you calling me Rile"

"Doon ka sa fiancè mo. Hinding hindi ako magiging kabit. Magandang umaga nga pala, Mr. Xyiann" sabay bukas ko ng pinto

Mabilisan ko rin sinarado ito at sumandal sa pinto. Nagulat ako dahil lumabas bigla si Corx.

"Ouch. Busted si Xyiann" natatawang sabi ni Corx na kakalabas lang ng kusina

Nanlaki naman ang mata ko "Narinig mo?"

"Ofcourse. Nilapit ko tenga ko sa pinto. Syempre I got to look out for my bestie ano. Mamaya naiipit ka na sa paguusap niyo, edi ako tutulong sayo" sabi nito at nag hair flip kunware

"Sabihin mo lang hinihintay mo na kasi yung pagkain" biro ko

Tumawa naman ito "Pati yon. Tara na gutom na ako" sabay akbay nito saakin

Matapos kumain ng almusal nasa sala na kami ngayon at nagkwe-kwentuhan lang ni Corx.

"Sa tingin mo, pagbigyan ko kaya siya?" Tanong ko sakanya

"Hmm.. ang puso mo ang sundin mo sa sitwasyon na ito. Dahil ang puso mo lang ang tunay na makakaalam ng nararamdaman mo"

Hays, after eight years ngayon lang ulit naging tornado ang utak ko.

Lunch time, nasa condo parin ako ni Corx. Nagmessage na ako kala mommy para hindi sila mag alala.

"Call him na" sabi ni Corx

Nasa sofa kasi kami ngayon kakatapos lang kumain ng lunch. Nakita ata nitong nasa contacts ako at akmang tatawagan na si Xyiann.

"What if saktan niya ulit ako?" Tanong ko

"Atleast you tried diba. Its better than having what if's"

Tama nga naman siya. Kaya bago pa magbago isip ko tinawagan ko ang numero ni Xyiann.

"Hello?" Sagot nito sa kabilang linya "Who's this?"

"I-its me" sagot ko

"Valerie. I'm sorry it was an un–"

"I'm giving you time to explain yourself. Pick me up at one" pagputol ko sakanya

Narinig ko naman ang pagsinghap nito sa kabilang linya "Noted"

"K" sabay baba ko ng tawag

"You did great. Kahit kinakabahan ka, I'm proud of you" sabi ni Corx

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon