COTG 27

28 0 0
                                    

"Hello?" Sabi nito sa kabilang linya

Naninagas naman ako sa kinauupuan ko ngayon. Nabigla ako dahil malalim na ngayon ang boses nito.

"If this is you again Eve using a random number, I swear I will not bring you anymore cookies"

Binaba ko kaagad ang tawag dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit ibinaba ko na ang tawag nahihirapan parin akong huminga ng maayos.

After years, ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. Ang boses ng lalaking unang sumira sa aking puso.

Kaya rin wala ako nagiging boyfriend in the past years dahil natatakot ako.. natatakot na masira nanaman ang aking damdamin.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Corx.

"Hays, uwi na tayo gaga. Masyado ng madaming pangyayari ngayon" sabi ko kahit alam ko na hindi ako maririnig nito dahil tulog parin

Nilagay ko ang braso ni Corx sa balikat ko. Habang ang kanan kamay ay nasa bewang nito. Bitbit ko rin sa kanan ang coat ko at bag.

"Tangina, driver na nga ako gagawin pang taga-buhat. Nako sa susunod hindi na ako sasama sayo Corx tamo" sabi ko

"Hoy! Gumising ka dyan, tulungan mo ako kahit paano" sabi ko sakanya

Umungol lang ito pero tumayo din ng maayos. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ko at nakapikit ang mga mata.

Buti nalang habang naglalakad kami palabas ng club, kahit pa-paano naglalakad pa-unti unti si Corx. Kaya hindi ako nabigatan sakanya. Buti nalang kanina binigay saakin nito ang susi ng sasakyan. Alam na alam atang magiging wasted ngayon gabi eh!

"Sa wakas, potcha" ang nasabi ko ng maipasok ko sa passenger seat si Corx

Pagtapos isarado ang pinto ni Corx ako naman ang pumunta sa driver's seat. Kaagad kong minaneho ang sasakyan papunta sa condo ni Corx.

Ilang beses na rin ako pumupunta doon. Mostly tuwing birthday ni Corx. Or kapag trip namin mag sleep over.

Alam naman din nila mommy na gay siya kaya wala silang problema na minsan tumutulog ako sa condo ni Corx.

Pagkarating sa condo parking lot binaba ko muna ang bintana at pinakita sa guard and I. D ni Corx.

"Kayo po pala, Ms. Valerie. Tuloy na po kayo"

Nakilala na rin ako ng mga guard dito dahil ilang beses na nila akong nakita kasama si Corx. Ngumiti muna ako at nagpasalamat bago tumuloy sa parking.

Nakahanap kaagad ako ng parking space. Dala ko ang mga gamit ko pati na rin ang susi ng sasakyan ni Corx pagbaba ko ng sasakyan.

Binuksan ko ang pinto sa side ni Corx. Hays, tulog parin. Hinipan ko ang tenga nito. Nagmulat naman kaagad ng tingin si Corx.

"Tangina kala ko kung sino. Ikaw pala" sabi nito habang kinukusot ang mata

"Yan buti naman gising ka na. Hindi na ako mahihirapan buhatin ka" sabay irap ko

Lumabas naman kaagad ng sasakyan si Corx. Sabay kaming pumunta sa elevator para makapunta na sa condo room nito.

"Dito ka matutulog?" Tanong nito

"Hmm.. pwede rin. Wala ng gising sa bahay eh, may pambahay naman ako sayo diba?"

"Yup. Iniwan mo nung last time nagsleep over tayo. Nandon parin sa guest room"

"Then doon na ako matutulog" sabi ko

Tumango lang ito. Bigla ako nitong hinawakan sa bewang at pinatong ang ulo sa taas ng ulo ko.

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon