Valerie's POV
After one month, mas naging close kami magkakaibigan. Nalaman ko na din ang mga attitudes nila and other stuff's.
Si Ruby ang mother of the group, dahil napapansin ko tuwing may kalokohan na ginagawa si Rile laging si Ruby ang nanenermon.
Si Rile naman ang clown ng grupo. Dahil madalas nagjo-joke. Minsan corny.
Si Kaily naman ang banal sa grupo. Nalaman ko lang last week na lagi pala siya may dalang Rosary at prayer book.
Lastly, si Eve siya ang hindi palamura at inosente. Siya ang hindi ko pa naririnig magmura. Lalo na kung bastos ang topic lagi siya magtatanong about saan.
Napabalik ako sa katinuan nang kalabitin ako ni Ruby.
"Intrams ngayon ah. Wash day" sabi nito
Napatingin ako sa suot ni Ruby, hindi nga siya naka uniform. Shuta na yan hindi ko alam!
"Awit na yan. Kaya pala pagdating ko palang dito naka palda yung iba" sabi ko at ngumuso
Tumawa si Ruby "May extra ako na damit. Pwede mo hiramin"
"Hindi mo gagamitin?"
Umiling siya "Nope. Pahiram ko nalang sayo"
"Thank you talaga super!" Sabi ko at niyakap siya
Ngumiti lang siya at binigay ang paper bag na hawak niya.
"Hintayin nalang kita sa court. Doon ang event eh. Tsaka papunta na rin daw sila Kaily" sabi nito at umalis na ng classroom
Dala ko ang bag ko at paper bag papunta ng banyo. Pagkarating ko sa banyo pumasok ako sa isang cubicle. Sinabit ko sa hook ang bag at paper bag.
Pagkabukas ko ng paper bag nakita ko ang nakatupi na denim skirt na above the knees at isang knitted pink croptop. Life saver ka talaga, Ruby!
Sinuot ko ang mga damit. Nilagay ko sa loob ng bag ko ang uniform ko. Tinupi ko ang paper bag, mamaya ibibigay ko kay Ruby.
Buti nalang lagi ako nagdadala ng doll shoes incase may biglaan na lakad. Pagkalabas ko ng banyo pumunta kaagad ako sa court. Nagtext na saakin kanina si Ruby na nasa may ilalim daw sila ng Macopa tree.
Nang makita ko ang puno, nakita ko silang nakaupo sa bench doon.
"Salamat talaga, Ruby. Babalik ko sayo bukas lalabhan ko" sabi ko at binigay sakanya ang paper bag
Tinanggap niya ito "No worries. Kahit kailan mo nalang ibalik"
"Kapag next year niya binalik, okay lang?" Tanong bigla ni Rile na kumakain ng puto
Sumama naman ang tingin ni Ruby "Ikaw talaga, pilosopo ka noh" sabay pingot nito kay Rile
"Aray! Sorry na"
Lumipas ang ilang oras nag open na ang booths. Hala! Ayoko sa jail booth, please.
"Magtago na kayo, yung jail booth open" sabi ni Rile
"Since ikaw president ng school, anong booth's ang open?" Tanong ko
"Jail, marriage, haunted house, rent-a-jowa, food" sabi nito
"Ang dami pala-" naputol ang sinasabi ni Eve ng may magsalita sa speaker
"Good morning everyone! Jail booth is now open. Para sa unang challenge, mahuhuli ang lahat ng naka-color white" sabi ng host
Nagkatinginan kaming magkakaibigan.
"Safe walang naka white" sabi ni Ruby at nakahinga ng malalim

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022