Kumunot naman ang nuo ko sabay ko binatukan ito.
"Gago ka ba, wala pa ngang buwan eh. Sunset palang oh" sabay turo ko ng sunset sa bintana
Ngumuso naman ito "Gusto ko lang namang itry sabihin eh"
Umirap ako "Sabihin mo yan kapag may buwan na talaga. Yan tuloy epic fail ka"
Magpi-pick up lines na nga lang mali pa pipiliin na oras. Gago lang.
Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan bago nagsalita si Xyiann.
"It all started when we were grade 7" pagkwento nito bigla
Huminga naman ako ng malalim bago tumingin dito. I guess I will now hear his explanation.
"Emilia was a new student in our class. At first hindi ko siya pinapansin dahil hindi naman kami close. Sila Ruby lang talaga kaibigan ko since elementary. Pero nung mga susunod na linggo lapit siya ng lapit saakin. Tinanong ko siya ano ba makukuha niya if naging close kami. Sabi niya friendship" tumingin ito sa labas ng ferris wheel at tiningnan ang papalubog na araw.
"One year passed, nagkagustuhan na kami sa isa't isa. I courted her for one month. Fast forward to grade 9, naging legal na kami both sides. Grade 9 kami nung sinuggest ng parents namin bigyan namin ang isa't isa ng promise rings" hinawakan nito bigla ang kamay ko at tumingin lang doon habang nagpapatuloy sa kwento.
"But unexpected events happened. Grade 10, I found out she was cheating on me with my guy friend"
Napasinghap ako "B-bakit daw niya nagawa yon?"
Dahan-dahan itong umiling "Hindi ko alam. I confronted her about it. Sabi niya lang she fell out of love"
"I-I'm sorry" sabi ko
Tumingin ito saakin at nilagay ang kamay sa pisnge ko "Don't be. Its not your fault"
"What was the reason of her coma?" Tanong ko
"After I confronted her, I gave her the promise ring. We both agreed na break na kami. Then weeks after nalaman ko Emilia and her boyfriend ran away then met an accident. The boyfriend died but Emilia lived"
Binaba ko ang kamay ni Xyiann at hinawakan ito "I'm sorry if I judged you too early"
Ngumiti lang ito at pinisil ang ilong ko "Don't be. You were just hurt, and I understand that. Kaya nga nahintay kita ng ilang taon eh" sabay tawa nito ng mahina
"Gusto ko ibato sa dagat si Emilia, how dare she cheat on you" galit ko na sambit
Natawa naman ito at niyakap ako "So are we now okay?"
"Hmm.. no"
Kumalas ito sa yakap kaya nakita ko ang pagkakunot ng nuo nito "What? Why?"
"Kung hindi talaga kayo mag fiance na ni Emilia bakit niya sinabi na mag fiance parin kayo?"
"Maybe she wants me as a rebound or nakalimutan na niya ang nangyari last two years ago" sabay buntong-hininga nito
"Don't worry, sasabihan ko siya kung anong nangyare para malinawagan na ang lahat" sabi nito "Tayo ulet?" Narinig ko pa ang excitement sa boses nito
"Anong tayo ulet"
Hindi ko naman napigilan ang pag ngiti. Atat much!
"Dalagang Pilipina ako noh. Ligaw muna" sabi ko
"Okay okay, if that's what you want. Kahit ilang taon pa kita liligawan basta tayo ang end game" sabi nito habang may kinang ang mata
Naramdaman ko naman ang pagbagal ng mundo pati na rin ang pagtibok nang mabilis ng aking puso.

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
De Todo(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022