COTG 15

32 0 0
                                    

Last week, akala ko safe na ako na hindi niya malalaman na ako ang secret admirer niya. Not until next day..

~~~~~~~~

Haaaay! Another morning, another monday. Can I be engkk na. Char, sayang kagandahan ko.

"Hoy, ikaw nasa ulap nanaman isip mo" sabi ni Eve na ikinabalik ko sa katotohanan

Nasa classroom kami ngayon, last period na namin ito before lunch. Yey!

"Cloud 9 moments nanaman ng isang Valerie" komento ni Ruby

"Pwede ba pakibilisan nalang ng oras" sabi ko at sumimangot

"Kung ikaw orasan baka pwede pa" ani bigla ni Rile

Umirap ako "Very funny"

"Ms. Loren and Mr. Vandermon, kung gusto niyo ng bebetime maghintay kayo mamaya" sabi ni Ma'am yujen "Respeto sa single" sinabi ni Ma'am na ikinatawa ng mga kaklase ko.

"Ma'am- hindi po kami" deny ko, kahit crush ko siya hindi naman ako delusyonada

Minsan lang hehe.

"Yan din sabi ng mga lola't lolo ko" sabi ni Ma'am

Napansin ko na tahimik lang si Rile sa gilid. Wala man lang sinabi.

Lunch time. Kami ni Rile ang naka-schedule na mag order for foods. Yeah, may sched na kami everyday kung sino ang mag order.

After namin makuha order nila Eve, Kaily, at Ruby pumunta na kami ni Rile sa counter at pumila.

"After school gusto kita makausap" sabi ni Rile bigla sa tabi ko

Nagkibit balikat ako "Okay, no biggie naman"

Tumango lang si Rile.

"Seryoso mo ngayon lods ah. Anong meron?" Tanong ko

"Wala naman" maikli nitong sagot

"Sus" sabi ko at nag thinking face sakanya

Habang kumakain kami tahimik parin si Rile. May sakit ba siya?

"Hoy, Xyiann Rile Vandermon. Anong problema at tahimik ka ata ngayon?" Tanong ni Kaily

"Oms. Wala ka bang jokes?" Tanong din ni Eve

"Madami lang akong iniisip" sabi ni Rile

Nagtinginan kaming apat. Lahat kami nag aalala. Baka mamaya mag humahabol na mafia sakanya- kakabasa ko toh ng romance fictions.

Last subject na namin ngayon before dismissal. Ang favorite teacher namin, which is ang adviser namin.

"Bukas class may event ang school. Which is costume day"

Naghiyawan kami lahat. Ackk! Ang dami ko ng iniisip na costumes.

"May mga different school games  bukas. Pwede rin daw bukas pagdating sa school nakasuot na kayo ng costumes. Pwede rin naman na dito nalang magbihis"

Nagsabi pa ng ibang details si Ma'am about sa event bukas.

Aackk! Mukhang magma-mall kami mamaya!

"That's all for today class. Good bye and thank you!"

Nagpaalam kami bago umalis ng classroom. Nasa hall kami at naglalakad papunta sa parking lot.

"Mall tayo for costumes. Arat" aya ko

"Let's go!" Masayang sabi ng tatlo

Tumingin naman kami kay Rile na malalim ang iniisip.

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon