Nagising ako sa amoy ng mabango na pagkain. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nandito parin ako sa kwarto ko dito sa beach house namin.
Mukhang nakatulog ako dahil sa pagod. Jetlag maybe.
Nag ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang tanghali na pala. One o'clock pm.
Bumaba ako at sinundan ang mabango na amoy. Napunta ako sa dining area kung saan nandon na silang lahat kumakain.
"Adobong manok!" Tili ko at pumalakpak "My favorite!"
"Yan, mauubusan ka na. Hindi ka kasi nagising ng maaga" tukso ni kuya Leo
Sinamaan ko siya ng tingin "Parang hindi pamilya" sabi ko at umupo sa tabi niya
"So. Saan niyo gusto pumunta mamaya?" Tanong ni mommy saamin
"I suggest scuba diving" sabi ni kuya
Tumango naman ni dad "Sure"
"And, ikaw princess. Anong gusto mo?" Tanong ni dad saken
"Hmm.. late night stroll sa beach and eat dinner sa isang restaurant" sabi ko
Pumayag naman sila. Kaya after nung lunch namin, nagready na kami umalis para gawin ang gusto ni kuya. Which is scuba diving. Nagbaon ako ng rush guard and pampalit na damit.
Naligo ulit ako. Pagtapos ay nagbihis ng beach dress, nilugay ko na lamang ang buhok ko at nag suot ng sun glasses. Kinuha ko ang baon ko na slippers at sinuot. Boom beach fashion!
Habang nasa byahe tumitingin ako sa mga nadadaanan namin na mga souvenir shops. Bilhan ko kaya sila Eve. Customized keychain for our six months friendship.
"Were here" sabi ni dad na siyang nagmamaneho
Napahanga ako dahil sa outside parking lot palang kita na namin ang clear blue ocean. Madaming turista ang kumukuha ng litrato nito.
"Ack! Excited na ako!" Sigaw ko
"Can you keep your voice down" sabi ni kuya
"Lagi ka nalang may regla kuya, hays aminan mo na babae ka" pang aasar ko
"What the fuck!?" Sigaw nito
"Tama na yan. Baba na or ibabalik namin kayo sa bahay" hamon ni mommy
"Sabi ko nga baba na" sabi ni kuya at mabilisan bumaba
Natawa naman kaming tatlo na nandito parin sa sasakyan. Bumaba na kaming tatlo dahil mukhang naiinip na si kuya.
Hays, everyday may regla yon.
Pumunta kami sa information lobby ng beach at nagtanong saan ang pila ng scuba diving.
"This way po" sabi ng babae at naunang maglakad
Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa scuba diving shop. Nag thank you kami sa babae.
Nagbayad muna sila daddy ng payment for scuba diving. Binigyan kami ng scuba diving gears. Pagtapos masigurado na ayos na ang kabit saamin, dinala na kami nito sa beach.
"Gets po ba?" Tanong ni kuya after niya ituro saamin ang safety signals
"Yes po" sabi ko
"Kung ganon po, punta na tayo sa ilalim ng dagat" sabi ni kuya at naunang lumangoy papunta sa ilalim
Pagkalangoy ko sa ilalim namangha ako sa mga corals na nakita ko. May mga isdang dumaan pa sa harap ko. Ackk! Ang cute!
Bti nalang dala ni mommy ang water proof camera kaya nakakuha kami ng family picture.

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022