Kahit kinakabahan na kalooban ko pinanatili ko kumalma sa labas. Tumikhim ako bago magsalita.
"Ako? Baka nanaginip kalang" sabi ko at kumain ng ice cream
"No. Ikaw talaga yung naglalagay ng gifts sa locker ko" seryoso nitong sabi
"Pano mo nasabi?" Tanong ko at nagtaas ng kilay
"First, yung amoy ng perfume mo kumakapit sa mga gifts"
Napapikit ako at bumaling sa kabila. Bobo ka self!
"Second, dati nung iniwan ka rin namin sa mall sabi mo mag grocery ka. Nagpaiwan din ako non nagsabi ako kala Ruby. Wala ka na non kasi pumunta ka na sa grocery. I followed you, then nakita ko bumibili ka ng chicken. And what a surprise, kinabukasan may chicken na sa locker ko"
IQ ko talaga 50 dahil sa kabobohan ko.
"Lastly, yung reactions mo tuwing magsasabi ako na may regalo ulit ako sa locker" umiling ito "Hay, magkakagusto ka na nga lang saakin halata pa"
Napatingin ako sakanya at nanlaki ang mata ko "Wow! Sorry na ha, upakan kaya kita" sabi ko
"But on a serious note. We can only be friends Valerie"
Napababa ako ng tingin at mahigpit na hinawakan ang papel ng ice cream.
"O-okay lang noh. Expected ko na ito" sabay tawa ko ng mahina
"But why are you crying then?" Tanong nito na ikinabigla ko
Hindi ko napansin ang mga luha na lumalaglag mula sa mata ko.
"Wala noh. Tears of joy kasi alam ko na hanggang friends lang tayo" inangat ko ang ulo ko at ningitian siya
Nakita ko ang pag aalala sa mata ni Rile. Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit iniwas ko kaagad.
"Don't pity me. I'm a strong girl, its only a crush" sabi ko at tumayo "Kung yan lang pala sasabihin mo. Aalis na ako. Wag ka magalala, hindi malalaman toh nina Ruby" sabay lakad ko paalis
Tumakbo ako palabas ng mall. Pagdating ko sa kotse kaagad ko sinarado ang pintuan at umiyak.
Tanga ka kase, alam mo na kaibigan lang kaya niya ibigay sayo umaasa ka pa.
Nakailang oras ako bago tumigil sa pag iyak. Inayos ko muna ang sarili ko, baka mag alala saakin sina mommy kapag nakitang kakagaling ko lang sa pag iyak.
Pagkarating ko sa labas ng bahay, binuksan ko ang front compartment ko sa passenger seat. Buti nalang lagi ako nagdadala ng sun glasses for picture purposes.
Sinuot ko ang salamin bago pumasok sa bahay. Nagulat sila pagkapasok ko. Pinatay ni daddy ang tv at tinuon saakin ang atensyon.
"Princess, its already six in the evening. Why are you wearing sunglasses?" Tanong ni daddy
Shet! Wait isip ako excuse. Matalino si dad, kailangan i-out-smart ko siya.
"Nagpipicture kasi ako sa loob ng car. Eh nakalimutan ko alisin shades so ayon" sabay tawa ko
Tumango sila "Well in that case. Kain na tayo ng dinner" aya ni daddy
"Ligo muna ako bago kumain. Love you all!" Sabi ko habang tumatakbo pataas
After washing, I cloth myself with my duck PJ's. Malaki na ako pero utak ko pang kinder.
Bumaba ako at pumunta sa dining area. Nakita ko silang masaya na naguusap sa hapag.
"Oh nandyan ka na pala nak. Upo na, kain na tayo" sabi ni mommy
Ngumiti ako bago umupo sa tabi ni kuya Leo na busy kumain habang malalim ang iniisip. The night ended well kahit hindi maganda ang nangyari kanina.

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Overig(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022