Valerie's POV
Nasa library na kami ngayon. Sa may labas, buti nalang may ganito dito. Si Xyiann ang gumagawa ng powerpoint habang ako ang taga kain, hehe.
"Wag mo akong tingnan dyan. Akala mo wala kang gagawin, ano ka gold? Meron syempre, ikaw magrereport" sabi nito bigla habang nakatingin parin sa laptop nito
"Ha?! Hoy ako nalang pala gagawa ng powerpoint" sabi ko
"Wala nasimulan ko na. Tsaka alam ko naman itong topic, kaya ko na toh. Tuturuan kita mamaya paano mo irereport. Kumain ka nalang dyan"
"Naks! Bait ah" komplemento ko at nagtaas baba ng kilay
"Babawiin ko yung cake kung hindi ka titigil sa pag aasar, Valerie"
"Sabi ko nga titigil na ako"
Nakalipas ang ilang minuto natapos na si Xyiann sa powerpoint. Nilapit nito ang upuan saaken at nilapit ang laptop.
"Tuturuan na kita pano magreport nito mamaya. Kaya makinig ka ha" sabay pitik nito saakin sa nuo
"Opo boss tamad"
Tumingin naman ito saakin ng masama kaya nag peace sign ako.
"Hehe peace" sabi ko
Tinuruan ako ni Xyiann kung ano ano ang mga sasabihin ko mamaya kapag magrereport na ako sa harap ng klase. Kaya mo toh, Valerie!
Dumating na ang oras ng reporting. Pinauna ang iba. Nagra-random tawag si ma'am kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Okay, next is Ms. Loren and Mr. Vandermon"
Sheeet! Eto na! Let's go!
Dinala ko sa harap ang laptop ni Xyiann at sinaksak ang projector. Pagkalagay ng powerpoint sa white board, humarap na ako sa klase.
Napatingin ako kay Xyiann at nakitang nag thumbs up ito saaken bilang pag cheer. Huminga muna ako ng malalim at nagsimulang magsalita.
After ko magreport pumalakpak si ma'am.
"Well done, okay next. Mr. Vern and Mr. Ovielo"
Kinuha ko ang laptop ni Xyiann at binigay ito muli sakanya. Aalis na sana ako upang bumalik sa upuan ko pero may binulong ito saaken.
"Congrats, Ria" bulong nito
Napatulala ako ng ilang segundo ngunit napabalikwas ng sinabihan akong umupo na.
After ng klase ni ma'am nagkanya-kanyang reklamo ang lahat about sa sudden reporting.
"Naks! Xyianna, galing ah ikaw siguro gumawa nung reporting noh? Ganon fonts mo eh" sabi ni Ruby
"Xyianna?" Nagtataka ko na tanong
Napatingin naman sila saakin "Yeah, oh hindi pa namin nasasabi sayo.. Xyiann is actually a gay"
Napasinghap naman ako at nakatingin kay Xyiann na kalmado lang. Napukpok ko tuloy ang lamesa ko ng may marealize kaya napatingin silang lahat saaken.
"Oops sorry" sabi ko sa lahat
Napatingin ulet ako kay Xyiann na nagulat din sa pangyayare "Kaya pala may Victoria Secret perfume sa condo mo" sabi ko
Napalaki naman ang mata ni Xyiann at napatayo "You freaking saw that?!"
"Duh. Kaya nga sinabi ko diba. Hays, Xyiann or Xyianna basta kung ano ka man" sabi ko
Narinig ko bigla ang tawa ni Kaily kaya napatingin kami sakanya "Pft! You two are cute. Wait by the way, dinala mo siya sa condo mo?"

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022