Third Person's POV
Kitang kita ng lahat kung paano magsituluan ang luha ng dalaga, mahahalata mong labis itong nasaktan dahil sa isang bagay.
Lahat sila ay gustong damayan ang dalaga ngunit hindi nila akalain na maging ang pag-iyak nito ay napakaganda.
Nakaramdam naman ng sobrang galit si Killian dahil hindi niya akalaing may pagpapaiyak agad sa Prinsesa niya ng ganoon kadali.
Matindi man ang galit ay kailanganan niyang kumalma , kailangan niyang pakalmahin ang anak niya dahil maaaring may mangyaring hindi maganda at saka na niya pagbabayarin ang may sala nito.
'Terrese bitch, let's see how will you gonna entertain me'
Ang limang lalaki naman mula sa malayo na kanina pa nagpipigil na lumapit sa dalaga ay nakaramdam din ng galit sa kung sino man ang nagpaiyak sa babaeng tinititigan nila ngayon.
Parang kanina lang ay may matamis itong ngiti ngunit ngayon ay may mga kumikislap na luha ang nahuhulog sa nakakabighani nitong mata.
" Shh. Don't cry Daddy's here. " pagpapatahan ni Killian sa anak ngunit taliwas naman sa malambing nitong boses ang nakakamatay nitong tingin na tila isang lobo na handang umatake.
Mula naman Comfort Room lumabas na si Teresse matapos ang mahabang pag iisip at pagkatulala sa loob.
Ang paglabas niya ay ikinaagaw ng atensyon ng lahat dahil sa tunog na nilikha ng pintuan at dahil na din dito nagmula ang umiiyak na anghel ngayon.
Nang tuluyang makalabas si Terrese nagtaka siya kung bakit marami ang nakatingin sa kaniya hanggang sa aksidenteng tumama ang mata niya sa screen.
Naniningkit ang mga mata na tinitigan niya ito at hindi mapigilan ang pagyukom ng mga kamay ng makitang si Kineya ang nasa screen at umiiyak ito.
Talaga pa ring kaya nitong umarte at dahil sa ganda nito ngayon at pagpapanggap ay mas marami na ang naniniwala na inapi ito.
Inilipat niya ang tingin mismo kay Kineya ngunit bago pa mangyari yon ay may mga malalamig na mga mata ang napaghinto sa kaniya.
Wala sa sariling nakipagtitigan siya sa mga matang iyon, dalawang pares ng pulang mata at isang berdeng kulay ng mata ang mga nakatitigan niya.
Habang patagal ng patagal ay nararamdaman niya ang panginginig ng tuhod niya maging ang takot na unti unting umuusbong para sa buhay niya.
'Who are they?'
Lumipas ang oras at kahit nagkaroon ng kaunting kaguluhan ay tuluyan ng natapos ang reunion. Sari-sariling sakay ang mga ito ngunit napapahinto pa din ang mga ito dahil sa isang dalaga na nakasandal sa balikat ng ama na inaalalayan siyang naglalakad.
Acting is great...
Hindi man ito umiiyak ay nakakaramdam pa din sila ng kakaibabg awa para sa dalaga dahil kanina ay pinapanood nila ito at kita nilang malungkot lang ito at walang gana na nakaupo lang sa tabi ng ama niya na hindi din naman siya iniwan.
Pinanood nila itong sumakay sa sasakyan at pinapanood hanggang sa hindi na nila ito makita pa.
Iiling iling naman ang mga itong sumakay sa mga sasakyan nila at hindi maiwasang mapaisip kung talaga bang nagkalat na ang mga masasamang tao para paiyakin ang isang walang kamuwang muwang na anghel.
Habol habol din ng tingin ang limang kalalakihan sasasakyang kaalis lamang. Nanghihinayang sila lalo na at hindi man lang nila ito nakausap para kamustahin ngunit mas nanghihinayang sila na hindi malaman kung sino ang nakapagpaiyak dito.
Ang hindi nila alam ay ang may sala noon ay ang babaeng kanina pa nanlalamig sa tabi nila at tila wala pa rin sa sarili lalo na at nakatatak pa din sa isipan niya ang mga matang nakita niya kanina.
Mula sa sasakyan ay nababalot ito ng katahimikan, tinitigan nito ang pagod na anak na nakahilig sa mga balikat niya.
Napabuntong hininga nalang siya bago itong bahagyang yakapin, hindi niya alam kung tama ba ang naging desiston niya.
Tama ba na bumalik sila dito sa Pilipinas lalo na kung maaaring magresulta ng problema ang pagbabalik nila lalo na para sa anak niya na pilit niyang itinatago at pinoprotektahan?
Hindi na niya alam...
Hindi niya alam na ang inaalala niya ay nagpapanggap na tulog sa balikat niya at umaandar ang isipan para sa mga susunod niyang plano.
Alam niya na iba na ang takbo ng lahat mula sa istorya lalo na kung may nagmamahal na sa kaniya ngayon, hindi na siya ang kontrabida at sisiguraduhin ng pananagutin niya lahat ng nagkasala sa tunay na Kineya lalo na ang babaeng iyon.
Sa haba ng kalsada ay tumatakbo ang sasakyan nina Kineya at sa likuran nito ay may isapang sasakyan na palihim at alertong sumusunod sa sasakyan nina Kineya.
Marahan itong sumusunod at hindi ganoon kalapit o kalayo ang kinalalagyan kaya naman hindi sila nabibisto ng mga tauhan ni Killian.
Sa loob ng sasakyan na iyon ay may sakay sakay na tatlong binaya na nakatutok sa sasakyang sinusundan nila.
Magkakaiba ang itsura at ugali ngunit may iisang pag-iisip at may pare-parehas na emosyon na naglalaro sa nga kaakit akit nilang mga mukha.
Saya...
Pagkagalak...
Pag-aalala...
Galit...
At Pagmamahal...
Ang isa sa kanila ay kumilos at walang kahirap hirap na kinutinting ang cellphone ng hindi man lang tumitingin at may tinawagan.
Isang segundo pa itong nangring bago sumalubong ang malalim na bosea mula sa kabilang linya.
" Hello? " Sagot sa kabilang linya na tila bagong gising palang ito at wala pa sa sarili.
" She's already here. " Saad ng lalaki na ikinatahimik sa kabilang linya bago umalingawngaw ang boses nito at ilang pagkabasag ng kung ano sakailang linya.
" Fuck! I can't wait to see her! I regret not coming with you! " Sigaw sa kabila at sunod sunod na mura pa ang nasabi nito dahil sa pagsisisi.
Napatawa naman ag isang lalaki na nasaloob din ng sasakyan bago agawin ang telepono at nagsalita habang may kakaibang ngisi na nakapaskil sa labi nito.
" Hahaha don't be so depressed, just wait fucker. She's gonna be ours. " Saad nito saka pinatay ang tawag at mas tumalim pa ang tingin nito sa sasakyang sinusubaybayan nila bago bumulong sa hangin.
" I can't wait to meet you, my dearest sweetheart. "
Mula naman sa pagpaplano sa kayang isipan, nakaramdam ng kilabot si Kineya na nagpataas ng balahibo niya.
Nangunot ang mga noo niya ngunit muli itong bumalik sa mala anghel nitong itsura na tila natutulog.
'Is there someone's thinking or cursing me? Whatever'
Hindi niya alam na ang planong binubuo niya ay mapapawalang bisa din lalo na sa pagpasok ng mga kalalakihan sa buhay niya.
Hindi niya alam na ang resultang nais niyang makamit ay magbabago dahil na din sa mga taong unti-unting papasok sa buhay at sa puso niya.
EDITED
BINABASA MO ANG
I Became The Villainess 🌟
FantasyBeing transmigrated in the world of novel was impossible but what will you do if it's happen to you? How about you became the villain of the story? Or about the female lead was nothing but a bitch? Or the male leads finds you interesting? Or abou...