Third Person’s POV
Kasabay ng pagtayo ni Kineya sa kanyang pagkakaupo ay siyang pagtahimik ng lahat. Walang maririnig na kahit anong ingay tanging ang tunog na nililikha ng kakaibang simoy lamang ng hangin ang maririnig sa paligid.
Nanginginig ang labi at katawan ni Kineya habang pinagmamasdan ang paligid at natigil iyon sa isang magkatabing lamesa kung saan nakaupo ang kanyang Ama, ang Emperors at maging ang apat na bampirang napasailalim ng kakaibang kapangyahirang itinulong ng buwan o sabihin na nating itinulong ni Neoma, ang bagong Dyosa ng Buwan at Dyosa ng pag-ibig at buhay ng mga bampira.
Dahan dahan na lumapit si Kineya sa mga ito at hindi napigilan ang pagluha dahil ito na ang huling gabing maaari niyang lapitan ang mga ito.Ito na ang huling beses na makakaharap niya ang mga lalaking naging parte ng buhay niya.
Isa-isa niyang niyakap at hinalikan sa noo ang mga ito kasabay ng isang salita.‘Forget’
Mas matagal niyakap ni Kineya ang ama hanggang sa bumitaw na siya at dahan dahang umatras papalayo.Muli siyang napatingin sa apat na bampira at nakaramdam ng kirot sa puso niya at wala siyang ibang magawa kundi ang ngumiti ng mapait at marahang natawa ngunit sabay sabay pa din ang pagtulo ng mga luha sa pula niyang mga mata.
Muli siyang napatingin sa buwan at bigla na lamang nawala sa kinatatayuan nito kasabay ang pagtayo ng mga bisita at isa-isang nagsialisan na wala sa sarili.
Sumikat ang panibagong araw at payapang umaga ang bumungad sa lahat.
Kakamulat lamang ng mga mata ni Killian at napahawak nalang siya sa dibdib niya at nakaramdam ng kirot.Pakiramdam niya ay may mali, pakiramdam niya ay parang may kulang ngunit kahit anong pag-iisip ang gawin niya ay hindi niya maalala.
Napailing nalang siya at nag-ayos ng sarili para hintayin si…‘Who’s the one I'm gonna wait for?’ Tanong nito sa sarili at nagulat nalang ng matagpuan ang sarili sa harap ng isang kwarto.
Naipaling nalang niya ang ulo at binuksan ito. Tumambad sa kanya ang isang bakanteng kwarto at walang kahit anong bakas na may tumuloy sa kwartong ito.Napailing nalang siya at tuluyang bumaba para mag almusal. Napatulala nalang siya sa katabing upuan na para bang may dapat na nakaupo doon, na para bang may kasabay siyang kakain pero sino?
Bakit niya ba iyon nararamdaman?
Sa mansion ng Emperors, lahat sila ay nakatulala sa hapagkainan. Nakahanda na ang mga pagkain ngunit ang mga kakain ay wala sa sarili.Pakiramdam nila ay may kulang sa puso nila na para bang may dapat silang maalala, iyon ang sinasabi ng mga puso nila ngunit hindi nila masabi kung sino o ano ba ang makalimutan nila.
“ Weird. ” Sabay sabay na saad nila maliban lang kay Hades na malalim pa din ang pag-iisip.
Sa kabilang banda naman, sa sari-sariling mga kwarto ay nagmulat ang mga mata ng apat na lalaki at natulala sa kisame ng kwarto nila.Wari ba ay may dapat silang alalahanin ngunit agad nila itong itinapon sa likod ng pag-iisip nila at bumangon na.
Nagkatagpo tagpo ang apat sa living area at nagsiupo.Kahit na anong pambabalewala nila sa pakiramdam na para bang may kulang ay hindi pa din nila mapigilan na maisip ito.
Akmang magsasalita na si Anwil ng sabay sabay na pumula ang mga mata ng apat at sa isang iglap ay nasa labas na sila at nakabaon ang mga mukha nila sa leeg ng apat na babae.Nag-angat ang mga ito ng tingin at nagkatitigan ang walong pares ng mga pulang mata kasabay ang pagbigkas ng isang salita na ikinakirot naman ng puso ng babaeng nasa likod ng isang puno habang nakatitig sa nangyayari.
“ Mate. ”
BINABASA MO ANG
I Became The Villainess 🌟
FantasiaBeing transmigrated in the world of novel was impossible but what will you do if it's happen to you? How about you became the villain of the story? Or about the female lead was nothing but a bitch? Or the male leads finds you interesting? Or abou...