Chapter 34

9.2K 370 25
                                    

Third Person's POV

        Tapos na ang klase at oras na ng breaktime. Wala ang dalawang grupo ng mga kalalakihang laging nakabantay kina Kineya sa di malamang dahilan habang wala din sa klase sina Terrese at mga kaibigan nito at kalat ang mga pangyayari sa party ng mga Delvage at iniisip ng lahat na guilty o nahihiya ang grupo nina Terrese.

        " Hey Aubrey.. let's eat " anyaya ni Kineya kay Aubrey na tulala sa harapan.

        " Ha? Hindi naman ako gutom, ikaw nalang " sagot nito.

         " You sure? " Tanong ni Kineya.

          " Oo kaya ikaw na lang muna kumain " sagot ni Aubrey at nginitian si Kineya ngunit may kakaiba sa mga ngiying iyon.

        " Okay.. I'll just buy you a food after. " sagot ni Kineya at lumabas na ng classroom.

       Naiwan mag isa si Aubrey at ng mapansing nakaalis na ang kaibigan ay agad agad ding lumabas ng classroom. Tinignan niya ang paligid at tinignan kung tuluyan ng nakaalis ang kakaibigan.

       Kinuha niya ang bag at umalis. Walang emosyon ang mukha niya ngunit sa kaloob looban niya ay nakakaramdam siya ng bigat.

       Dali dali siyang lumabas ng building at sumakay sa taxi. Hindi niya napansin ang matang nagmamatyag sa kaniya mula ng lumabas siya sa classroom nila.

       Sinundan siya nito hanggang sa makarating sila sa isang liblib na lugar. Agad na lumabas si Aubrey at tinahak ang daan papasok sa gubat.

        Pasimpleng sinundan ito ng babae habang inoobserbahan ang paligid na kinalalagyan nila. Tahimik lang siyang nakasunod kay Aubrey hanggang sa tumigil siya sa likod ng puno ng lumingon si Aubrey.

         Naramdaman ni Aubrey ang kakaibang bagay na nangyayari sa paligid niya ngunit wala naman siyang nakita na kung ano kaya nagpatuloy siya sa gagawin niya.

        Ilang linggo na ba ang pagtitiis niya? Pakiramdam niya ay ikakamatay niya kung lagi siyang magpipigil at hindi pagbibigyan ang sarili.

        Tahimik namang sumunod ulit ang babae kay Aubrey na ngayon ay nakaupo na sa lupa at may ginagawa.

         Napatigil naman siya sa kinakatayuan niya at nanigas ng makita ang ginagawa nito.

       " Aubrey? " Tawag nito na siyang ikinagulat ni Aubrey at humarap.

       " Kineya? "

       Lalo pang nakita ni Kineya ang hawak hawak na patay na hayop ni Aubrey. Warak ang tiyan at leeg nito,  dumadaloy din ang dugo nito na siyang nakakalat sa buong uniform at bibig ni Aubrey.

       'What the fucking hell….'

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon