Chapter 61

6.4K 214 0
                                    

Third Person’s POV

Masigabong palakpakan ang inihandog ng lahat ng tuluyang makapasok sa venue sina Kineya. Lahat ay nakangiti habang nakatingin sa kanila.

Napatingin naman si Killian sa mukha ng anak at labis na nagalak ng makita ang malaking ngiti nito sa mala-anghel nitong labi.

Naglakad sila sa mabahang pulang carpet hanggang sa makarating sa unahan kung saan may isang upuan na kulay ginto at ito ay kumikinang.

Inalalayan ni Killian na maupo doon si Kineya saka bumaba at tuluyan ng nagsimula ang kasiyahan.

Habang nakaupo naman sa upuan si Kineya at inililibot ang mga mata niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng saya ngunit may kasama itong lungkot.

Masaya dahil naghanda ang mga taong mahahalaga sa kanya ng ganitong klaseng bagay at malungkot dahil sa pagtatapos ng araw na ito ay kasabay noon ang pagkalimot ng lahat sa babaeng nagngangalang Kineya.

Nagsimula ang kasiyahan na sinabayan pa ng masiyahin at madaldal na host na ikinatuwa ng lahat.

Nagbigayan ng wishes, ng shots, ng gifts at ng candles na para bang isang debut ng isang dalaga.

Oras na para bigyan ng sayaw ang may kaarawan at ang unang unang sumayaw kay Kineya ay si Killian.

“ Daddy… ” Ungot ni Kineya ng makita ang naluluhang mata ng ama.

“ You’re already 20 years old, you’re not really a baby anymore. ” Saad ni Killian na ikinatawa naman ni Kineya at pinunasan ang luha ng ama.

“ I'm still your baby Dad even if I’m already 50 years old. ” Saad ni Kineya at niyakap ang ama.

“ Right, you’re still my baby and even if you have your own family you’re still my baby. ” Saad ni Killian at hindi na rin maiwasang maluha ni Kineya.

“ Dad… ” Tawag ni Kineya.

“ Hmm? ”

“ You know that I love you right? I’m also thankful for being here with me even though I’m not your real daughter. Thank you for the care and nonstop love that you’re giving to me. ” Saad ni Kineya at sa hindi naman malaman na dahilan nakaramdam naman ng takot si Killian ngunit pilit niya itong pinagsawalang bahala.

“ I know Princess and I will always be here to care and love you. ” Saad ni Killian at niyakap ang nag-iisang anak.

Pero sino bang mag-aakala na iyon na pala ang huling yakap ng isang ama sa kanyang nag-iisang anak?

“ Hey you’re beautiful. ” Saad ni Hades habang sumasabay sa tugtog ng musika.

“ Wow. I’m flattered. ” Saad ni Kineya at tumawa.

“ You love them aren’t you? ” Tanong nito bigla na ikinakurap kurap na lamang ni Kineya saka ngumiti ng malungkot.

Mabuti na lamang at nilagyan niya ng barrier ang paligid nila dahil may posibilidad na marinig ng apat ang pinag-uusapan nila.

“ But you're hesitating.. ” Dagdag nito at nagulat nalang ng yakapin siya ni Kineya.

“ Hades, I’m sorry. ” Saad ni Kineya at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Hades.

Sa limang Emperors ramdam niya na si Hades ang may pinakamalalim na nararamdaman para sa kanya lalo na at siya ang unang pag ibig ng lalaki ngunit wala siyang magagawa dahil kahit anong gawin niya hindi niya maibabalik ang pagmamahal na meron ang lalaki sa kanya.

“ Be happy Kineya… be happy. ” Saad ni Hades ngunit hindi na ito nasagot ni Kineya.

Isinayaw din siya ng iba pang Emperors ngunit tanging pagbati lamang ang natanggap niya sa mga ito.

Hindi na siya nagtataka pa lalo na kung nitong mga nakaraang araw ay ramdam niya pa din ang pagkailang ng mga ito sa kanya.

Hindi lahat ng lalaki sa mundo na pag masaya na yung taong mahal nila ay magiging masaya na din sila dahil meron ding tinatawag na selfish love kung saan gusto nilang kung liligaya ang taong mahal nila dapat sa kanila na.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon