Chapter 31

9.5K 356 6
                                    

NAGBABALIK!

MY STARS🌟

Third Person’s POV

          Agad na tinapos ang party ni Amira. Lahat ng mga mata ng bisita ay may kakaibang kislap, nag iisip kung paano nila ikukwento ang mga pangyayari at ang iba naman ay napapaisip na kung sino ang may lakas ng loob na sirain ang birthday party ng nag iisang prinsesa ng mga Delvage.

        Sa isang sulok naman ay nakaupo si Kineya ngunit hindi mo mapapansin ang isa pang kakaibang kislap sa mga mata ng dalaga.

        'I'm sure because of this Hades love route for Terrese will be over, fortunately Hades loves his sister so much'

        Napadako naman ang tingin ni Kineya sa pintuan malapit sa pwesto niya. Wala mang makakapansin ngunit malakas ang pakiramdam niya kaya naman napatingin siya doon at nakita ang unti nitong pagbukas.

       'Oh Gillian, you really have thick skin eh?'

       Bumalik si Gillian sa venue sa kadahilanang naiwan niya ang bag niya at wala siyang perang pambayad sa taxi.

       " You! Bumalik ka pa talaga!! " Biglang sigaw ni Amira na siyang ikinakuha ng atensyon ng lahat.

      " You ruined my party!! I will kill you!! " Dagdag nito na agad din namang dinaluhan ng kanyang ina.

      Agad namang nagbulungan ang iba pang mga bisita na hindi pa nag sisialisan. Makikita sa mga mata nila ang disgusto para kay Gillian.

     Nakikita at nararamdaman ni Gillian ang mga ito ngunit hindi niya magawang lumaban lalo na at mag isa lang siya at lalo aiyang madedehado kung magsasalita pa siya.

      " I-i… bag.. " saad ni Gillian na ngayon ay hindi makatingin ng ayos sa kayang harapan.

       Tahimik namang napatawa si Kineya ng makita kung paano mapasampal sa noo si Terrese at ang biglang pamumutla ni Olivia.

        'Comedy Drama ah'

        " Drag her out!! " Sigaw ni Mr. Delvage.

        Mabilis namang nagsilapitan ang mga guard kay Gillian at kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya makaalis sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya.

        Matapos makaladkad si Gillian ay siya ring tuluyang pagtatapos ng party at nagsisiuwian na ang mga bisita. 

        Ngunit makikita mo sa mga mata nila sa siguradong may malaking pasabog na kakalat kinabukasan.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon