Chapter 55

7.7K 266 3
                                    

Third Person’s POV

Nakarating si Kineya sa Mansion nila at madali lang naman niya nalagpasan ang mga gate lalo na at walang mga nakabantay sa tapat ng bahay nila at patay lahat ng ilaw.

Nang makapasok sa loob ng bahay si Kineya ay walang sumalubong sa kanya at saka naisip na marahil ay hinahanap pa din siya nina Killian na siya namang ikinangiti niya dahil kahit hindi siya totoong anak nito ay minahal pa rin siya nito ng higit pa bilang isang anak na siya namang pinagpapasalamat niya.

Nagpunta siya sa kwarto niya at naglinis ng katawan, habang nakababad sa ilalim ng shower.

Pumasok sa isipan niya ang kasunduang nabuo sa pagitan niya at ng tunay na mga magulang niya bago siya umalis kanina.

Mapait siyang napangiti at tinapos na ang paglilinis ng katawan.

Nagbihis na siya pagkatapos at napatingin sa kwintas na binigay sa kanya ng hindi niya kilalang tao, o sabihin na nating, binigay sa kanya ng kilalang-kilala niyang mga bampira.

‘Benedict, Caspian, Hendrich, Anwil’

Oo alam niya na ang pagkatao ng apat na iyon matagal na, at pinaghinalaan niya na ito nang maging kaklase niya ang apat.

Hindi naman siya tanga para hindi mapansin ang ikinikilos ng apat.

May mga pagkakataon na bigla-bigla nalang silang mawawala.

Malamig na temperatura ng katawan idagdag mo pa ang isang beses na nagbago ang kulay ng mga mata nito noong nasugatan siya habang gumagawa ng pagkain sa school at kung paano sila lumunok habang nakatingin sa duguan niyang katawan.

Malakas ang pang-amoy nila, miski ang pandama at masyadong malinaw ang mga mata.

Sobrang lakas din nila at naaalala niya noong may nakaaway sila ni Aubrey sa hallway na mga lalaki, hindi ba sila ang kumaladkad sa mga lalaking iyon at dinala sa isang kwarto?

Matapos non ay silang apat lang ang lumabas, malinis silang tignan pero sa gaya nbi Kineya, amoy niya ang dugo kahit na nagtatago siya mula sa malayo.

Hindi na rin bago sa kanya na may nararamdaman ang apat para sa kanya, hindi naman siya bulag para hindi makita yon lalo na sa tuwing kumikislap ang mga mata nila pagkausap siya.

Ang bawat matatamis na ngiti at maging ang malalambing nitong boses tuwing kausap siya.

Todo pag iingat din ang mga ito sa kanila at bawat segundo siguro ay sa kanya nakatuon ang mga mata ng apat.

At hindi rin naman lingid sa kaalalam niyang maging ang mga Emperors ay may nararamdaman para sa kaniya na kahit sumama sila kay Terrese o di kaya ay minsan lang sila magkausap ay mag pag-ibig na nabubuo sa puso nila para sa kanya.

Pansin niya ngang pinipigilan nila ito nung una lalo na ng mahuli niya sina Apollo at Terrese na may ginagawang kababalaghan sa likod ng malaking puno sa likod ng school pero hindi rin sila nanalo gayong nahulog na rin sila ng tuluyan sa kanya.

Alam niyang kaya lang naman sumasama ang mga ito kay Terrese dahil itinuturing nila isang isang purong bulaklak pero di nila alam na nabubulok na pala ito sa loob at naloko sila dahil lang sa rason na gusto niyang kuhain lahat ng meron ang dating Kineya.

Sa kasamaang palad, sa dalawang grupo may nanalo na pero ano nga bang magiging premyo?

May maganda ba itong maidudulot o isang pasakit na premyo lang lalo na para sa kanya dahil handa siyang sumugal para sa huling pagkakataon.

Habang nakatingin sa salamin na nasa harapan niya habang nagsusuklay ay pumasok sa isipan niya ang kaibigang si Aubrey.

Ilang buwan na ng huli silang nagkita at wala siyang balita dito kahit ano.

Umaasa nalang siyang makita ang kaibigan sa lalong madaling panahon lalo na at miss na miss na niya ito.

Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-dos na ng madaling araw at nakakaramdam na din siya ng kakaibang antok kaya naman humiga na siya at ipinikit ang mga mata.

Nagpakain siya sa antok at hindi niya alam na sa pagpikit ng mga mata niya ay siyang pagning-ning ng buwan at isang katawang nakaputi ang lumitaw sa kwarto niya at naghatid ng mga mensahe sa panaginip niya.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon