Chapter 47

8.3K 318 37
                                    

Sa mga nabitin, eto na oh
Baka ako ibitin niyo🤧






Third Person’s POV

Sa kwartong iyon ay maririnig mo ang pag-ihip ng hangin kahit walang lagusan na maaaring pasukan ng hangin. Malamig sa loob ng kwartong iyon at ang mga tao sa loob ay mukhang ‘nag-eenjoy’ sa isang mainit na kaganapan.

Mula sa pintuan ay napapangisi ang isang lalaki na napadaan lang dahil rinig na rinig niya ang ungol ng mga kasama niya. Napatawa nalang siya ng sunod sunod na ang ungol ng mga ito at mukhang labis silang nagkakasiyahan sa loob ang lima niyang kasamahan sa loob at lalo siyang natawa ng maisip na may pagkakataon din siya para magsaya mamaya at muli niyang dadalhin ang babae sa langit.

Umalis na siya doon at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kwartong iyon. Hindi niya alam na ang mga kasamahan niyang ‘nagkakasiyahan’ ay pinagkakasiyahan ng isang dalagang pinapangarap niyang dalhin sa langit.

Sa loob ng kwarto ay nakatayo ang babae na si Kineya at may ngiting nakapaskil sa labi nito, kaakit akit ang ngiting iyon kung hindi mo titignan ang malalamig at maladugo niyang mata na nakatingin ngayon sa limang lalaking nakahiga sa sahig at umuungol.

Umuungol? Oo umuungol ngunit hindi sa sarap kundi sa paghihirap lalo na kung wala na ang sandatang nasa gitna ng mga hita nila. Wala sa gitna ang bagay na iyon ngunit nasa loob naman ito ng mga bunganga nila at para silang mga batang pinagalitan at bawat umiyak ng malakas.

Sinong mag-aakala na bago pa nila ito mahawakan ay agad na sila nitong napatumba sa isang galawan lang at ang masama pa kahit anong pagpalag na gawin nila ay sila at sila pa rin ang natutumba at nasasaktan sa dulo.

Bigla na lamang din itong kumilos at sa isang kisap mata ay may hawak na itong matulis na bagay at dahil wala na silang saplot, madali nitong naabot ang buhay nila at sa isang saglit ay putol na. Akmang sisigaw sila ngunit maging ang dila nila ay putol na at maging mga naputol nilang kayamanan ay nasa bibig nila.

Hindi nila magawang tanggalin lalo na at may mga matang nakatutok sa kanila, tanging pag ungol nalang dahil sa sakit ang magagawa nila ngunit makakalabas pa ba sila dito ng buhay?

Ang babaeng kanina lamang ay pinagtutulungan nila, ngayo’y parang isang halimaw na galing impyerno. Napapalibutan ng itim na awra, may malamig na ekspresyon sa mukha na may matamis na ngiti, duguan ang katawan, damit at kahit ang mukha ay may talsik ng dugo, at ang pinakahuli sa lahat ay ang pulang mata nito.

Hindi nila alam kung masyado na ba silang maraming kasalanan sa mundo para magpadala ang langit ng isang anghel, ngunit ito ay anghel ng kamatayan na handang kunin ang kaluluwala nila kahit anumang oras.

Lumipas ang isang oras ng paghihirap biglang tumayo sa pagkakaupo si Kineya hindi niya akalain na may matutuklasan pa pala siya. Hindi niya akalain na sa loob ng libro makakaranas siya ng mga napaka-imposibleng bagay.

‘I never thought that there’s a secret behind everything…’

Papunta na sina Terrese at ang lalaking nakayakap sa kanya mula sa likod sa kwarto na kinalalagyan ni Kineya, mahahalata mo ang disgusto sa mukha niya pero kailangan niyang magtiis lalo na at sa paraang ito ay makakamit na niya ang gusto niya.

Tahimik silang naglalakad sa hallway hanggang sa marating nila ang harap ng kwarto at parehas na umarko ang labi ng dalawa ng makarinig pa ng mumunting ungol at iyak sa loob pero nagkakamali sila kung ang iniisip nila ay si Kineya ang may kagagawan noon.

Binuksan nila ang pinto ngunit bago pa sila magkareaksyon sa nakita nila, mapupulang mga mata na agad ang sumalubong sa kanila. Akmang sisigaw na sila ng bigla silang nilapitan nito at walang habas na kinagat sa leeg. Hinila sila ng mga ito papasok at unti-unting naubos ang dugo nila sa mukha, literal na naubos.

Bago pa man ipikit ni Terrese ang mga mata ay muling nagbalik sa isipan niya ang mga naging pangyayari sa buhay niya at sa kauna-unahang pagkakataon, nagsisisi siya. Kung sana hindi niya nalang ginawa ang lahat ng iyon para masira si Kineya at nanatiling isang mabuting kapatid, magiging ayos ba ang lahat? Magiging masaya ba siya?

Siguro, oo

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon