Chapter 66

7.6K 248 5
                                    

Third Person's POV

" Naihatid mo na ba siya? " Agad na tanong ni Neoma sa kararating lang na si Tadhana.

" Yes. " Sagot nito at umupo.

" Ano? Kamusta? Anong nangyari? " Tanong ni Neoma.

" She cried. " Sagot ni Tadhana at inalala ang luhaang mukha ni Atheya.

" Ano? Anong gagawin natin? " Tarantang tanong ni Neoma.

" Don't worry she's fine. " Saad ni Tadhana na ikinakunot noo ni Neoma.

" Tadhana? Wala ka bang pake kay Atheya? Baka nakakalimutan mo ikaw din ang may kasalanan ko paano siya napunta dito sa mundo natin! " Saad ni Neoma at kitang kita sa mukha nito ang galit.

" It's not my fault if she really loves the book. And it's not my fault if the book brings her here alright? So stop bickering. " Saad ni Tadhana.

" Ano ba Aubrey?! " Sigaw ni Neoma na siya namang ikinagulat ni Tadhana.

" Alright, I promise she'll be fine. Did you forget that I'm also the goddess of fate? I have a better plan for her so stop worrying. She'll be fine. " Mahinahon na saad ni Tadhana na siya namang ikinahinahon na din ni Neoma.

Muli namang naisip ni Tadhana ang mga nangyari sa nakaraan.

Nang mapunta sa mundo niya si Atheya ay ginawa niya lahat para agad ding maibalik sa tunay niyang mundo si Atheya pero wala siyang sapat na kapangyarihan kaya ang magagawa na lamang niya ay maghintay.

Mula sa paghihintay ay napansin niya ang pagbabagong ginagawa ni Atheya sa tadhanang itinakda niya sa sariling mundo kaya naman ng tuluyang mabago ang nakatadhana ay bumaba siya sa lupa at nagpanggap bilang Aubrey.

Inobserbahan niyang mabuti si Atheya maging ang mga taong nakapaligid sa kanya at wala na siyang magawa ng tuluyang magbago ang direksyon ng hinaharap.

Hanggang sa nagkaroon na siya ng sapat na kapangyarihan ay agad siyang umalis at inayos ang lahat.

Kinausap din niya si Neoma upang solusyunan ang nararamdaman ni Atheya para sa apat na bampira.

Bilang may ari ng mundo ay hindi niya akalain na magiging isang pantasya ang mundo niya kaya marami siyang inayos bago ibalik sa tunay niyang mundo si Atheya.

Hindi din niya akalain na malakas ang taglay na kapangyarihan si Atheya para baguhin ang mundo niya.

Sa kabilang mundo naman ay tahimik na nakamasid sa taas ng rooftop ang isang dalaga.

Mahaba ang buhok  nito at sobrang putla na para bang hindi nasisikatan ng araw ngunit  hindi mo pa rin maikakaila ang gandang meron ang dalaga.

Nakamasid ito sa bilog na buwan, walang emosyon sa mukha at tulala lamang.

Hindi mo malalaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalaga ngunit masisiguro mong napakalalim nito.

Bumaba na ito ng rooftop at naglalakad na sa hallway patungo sa kanyang kwarto. Malalim pa din ang iniisip at hindi nito napansin ang taong makakasalubong niya.

Tuluyang nakabunggo ng dalaga ang isang lalaki at nakabig naman siya ng lalaki papalapit ng muntikan na siyang natumba.

Agad siyang napatingala upang tignan ang lalaki at bumungad sa kanya ang mga pula nitong mata.

Ilang segundo silang nagkatitigan hanggang sa bumalik sa sarili ang dalaga at tuluyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya.

" Sorry. " Saad ng dalaga at agad ding humakbang paalis hanggang sa tuluyan na siyang nakadating sa kwarto.

Agad siyang napahawak sa dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya at naalala ang lalaking nakabanggaan niya.

Ang mga pula nitong mga mata at idagdag mo pa ang kakaibang amoy nito.

Napailing nalang siya at wala sa sariling napatingin sa buwan.

'Weird'

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon