Chapter 25

10.4K 381 6
                                    

Third Person's POV

        Araw ng sabado at araw na para magkita kita ang magkakagrupo upang gumawa ng aktibidad para sa klase.

        Mag isang naghihintay si Aubrey sa gilid ng school dahil ang alam niya ay may kakaon sa kanya dito upang gawin ang activity na nakaassign sa kanila.

        Tahimik lang siyang naghihintay ng may punaradang sasakyan sa harapan niya at may lumabas na lalaking nakaitim mula sa driver seat.

        " Are you Ms. Aubrey Kristen Pasayno? " Yanong nito na sinagot niya naman sa pagtango.

        " Young Master Caspian said to fetch you here " saad nito at binuksan ang pintuan.

        Nagdadalawang isip man ay sumakay pa rin si Aubrey sa sasakyan at tahimik silang bumyahe papunta kung saan.

          Narating nila ang isang Mansion, napakalaki at napakalawak nito. Bumaba na si Aubrey sa sasakyan at pumasok sa loob. May lumapit sa kanyang isang lalaki at hinatid siya sa isang kwarto.

          Ngunit pagpasok pa lamang niya sa kwarto ay nadatnan niya ang isang bagay na hindi niya akalain na madadatnan niya. Lakas loob niya itong nilapitan at tinignang mabuti kung hindi siya nagkakamali.

         Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto, akmang haharap na siya ngunit may kung ano siyang naramdaman sa balikat niya at ikinadilim ng paningin siya.

          Sa kabilang banda naman ay mag isa si Kineya habang may ginagawa sa laptop niya ngunit bigla siyang nakaramdam ng panlalamig.

          Iignorahin na dapat niya iyon ngunit hindi niya magawa, may bumabagabag sa loob niya ngunit hindi niya alam kung ano. Kasalukuyan siyang gumagawa ng report para sa topic na napunta sa kanila.

          Naisip bigla si Aubrey at kumabog ng malakas ang puso niya kaya naman dali dali niya itong tinawagan.

          'My guts telling me something!'

          Nakailang tawag na siya ngunit hindi ito sinasagot ng kaibigan kaya naman nag aalala siya. Walang sinabi sa kaniya si Aubrey na gagawin ngayong araw kaya naman dali dali siyang nagbihis at bumaba.

         Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar patungo sa apartment na tinitirhan ni Aubrey. Pagkarating niya ay agad siyang tumakbo papuntang pintuan ni Aubrey at kumatok ngunit walang nagbukas ng pintuan na siyang ikinakaba pa niya lalo.

        'She's not here, where the fuck is she?!'

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon