Chapter 42

8.5K 324 13
                                    

Third Person's POV

       Sa isang kwartong walang liwanag at tanging dilim lang ang makikita ay may isang dalagang nakahiga sa karton. Makikita mo ang kalmadong ekspresyon sa mukha niya at kung umakto ay para banag nasa sariling pamamahay niya siya.

        Maririnig mo ang mga tunog ng kuliglig ng biglang marahas na bumukas ang pintuan at ang kalmadong ekspresyon sa mukha ng dalaga ay napalitan ng pagkatakot na itsura.

        Isa isang nagsipasukan ang kanina lamang ay may sari-sariling mundo sa labas ng kwarto. Walang liwanag kaya naman hindi mo makikita ang mga itsura ng mga ito ngunit malalaman mong purong kalalakihan ito dahil sa mga tawa ng mga ito.

        " Hmm.. " huni ng isa na umani ng batok mula sa isang lalaking katabi nito.

        " Alam ko iniisip mo Ulol! Bawal nating galawin yan kaya tigilan mo pagpapantasiya mo dyan! " Saad nito na ikinatawa ng iba.

        " Pero hindi naman niya malalaman di ba? Kita niyo naman kung gaano yan kaganda! Dinaig pa si Sleeping Beauty! " Saad ng lalaki.

        " Gago ka! Tigil tigilan mo yan kung ayaw mong ikaw ang pagpantasyahan ng mga bakla sa bar ni Boss! Pag gumawa ka ng mali paniguradong iuon ang ipaparusa sayo! " Sagot ng isa.

          " Napakaingay niyo! Ano bang ginagawa niyo dito? Hinahanap na kayo ni Boss! " Biglang saad ng isang kadadating lang.

         " Tsk. May pag asa pang ibigay yan satin ni Boss pag nagamit niya na…. " Bulong ng lalaking gustong gustong angkinin ang dalaga.

         Napailing naman ang mga nakarinig at isa isa silang nagsialisan sa kwarto. Nang magsara ang pinto ay kasabay ng pagmulat ng mata ng dalaga.

         Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa kagandahan ng orihinal na Kineya o hindi lalo na at mukhang laganap na laganap ang mga manyak sa mundo ng librong ito.

         Hindi naman inaasahan ni Kineya na mangyayari ito ngunit hindi na rin siya nagulat pa. Masyadong padalos dalos si Terrese kaya naman mas mapapadali ang plano niya at iyon ay iparanas kay Terrese ang buhay na mas gugustuhin pa niyang mamatay.

         Madami ng planong tumatakbo sa isipan niya at excited na siyang isakatuparan iyon lalo na at mukhang iyon din ang nais ng orihinal na Kineya.

        Habang masayang nakangiti si Kineya ay siya namang ikinasama ng mukha ni Killian at ng mga taong naghahanap kay Kineya.

        Masyadong planado ang nangyari kay Kineya, walang nakakita at lahat ng CCTV camera ay hindi gumana ng oras na iyon. Tanging mapapansin mo lang ay ang 10 minutes na agwat ng mga rewind video.

        At sigurado silang lahat na hindi basta basta lamang ang may kagagawan nito ngunit kung sino man iyon ay maaga na nilang ipinagtirik ng kandila lalo na at naiisip na nila ang daranasin ng may mga sala sa kamay ng Boss nila at sa mga binatang may kakaibabg awrang nakapalibot sa kanila bawat isa.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon