Chapter 40

8.7K 343 27
                                    

Third Person's POV

        Tahimik na nakabantay si Killian sa anak. Nalaman na niya kung ano ang tunay na nangyari at hindi maiwasang kumulo ang dugo niya tuwing naaalala ang dahilan.

        Sa ngayon ginagawa na ng mga tauhan niya ang lahat para malaman kung sino ang mastermind sa nangyari at tumutulong na din ang mga inaanak niya gayon din ang apat na binatang kaibigan din ng anak niya.

         Hindi siya papayag na hindi pagbayarin ang gumawa noon lalo na at nandoon siya sa mga panahong naghihirap si Kineya. Bawat sigaw, iyak at pananakit nito sa sarili ay nandoon siya.

         Ngayon na nasa maayos ng kalagayan ang anak niya bigla na lamang may nagplano na ganito? Sinong ama ang hindi magagalit? Hindi man niya kadugo si Kineya ay minamahal niya itong tunay na anak lalo na at talagang malapit sa kaniya ang dalaga.

         Gagawin niya ang lahat para sa anak. Mahal na mahal niya ito, kadugo man o hindi. Handa siyang pumatay ng tao at dumihan ang sariling kamay upang masigurado ang mapayapa at tahimik na pamumuhay ng kaniyang nag iisang Prinsesa.

        Patawarin na lamang siya ng Diyos sa mga magagawa niya lalo na at tungkol ito sa anak niya.

       Kung alam lamang ni Kineya ang iniisip ng kanyang ama at siguradong matatawa siya. Hindi niya akalaing ganoon na lamang ang pagpapahalaga nito sa kaniya ngunit isa yon sa magagandang bagay.

       Ngayon na nagsimula na si Terrese bakit hindi niya iyong suklian ng sobra-sobra. Binato siya ng bato at hindi tinapay ang ibabato niya pabalik. Hindi siya santa at nagpapanggap lang siya bilang isa.

       Sa mga nakapalibot sa kaniya hindi na niya kailangang mag alala dahil para silang mga chess piece, sila ang magiging kamay niya sa lahat ng bagay.

       'Let's see Terrese kung saan ka pupulutin'

       Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagmumulat ng mata si Kineya na fahilan ng matinding pag aalala ng mga taong pinahahalagahan siya.

       Maging si Kineya ay buryong buryo na din sa pagpapanggap niya. Buti na lamang at ang dextrose na nakasabit sa kaniya ay ang dahilan upang hindi siya gutumin ngunit kailangan niya munang magtiis.

       Gusto niya ng magandang resulta ang unang plano niya kaya mas maganda kung ipagpatuloy niya hindi ba?

       Isang linggo na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita kay Kineya na nagdulot ng saya kay Terrese. Hindi niya akalain na ito agad ang resulta ng plano niya. Hindi niya akalaing nagtagumpay siya.

       Sa isang madilim na kwarto maririnig mo ang mga pagkabasag ng mga bote. Sa loob noon ay makikita mo ang apat na nanglilisik na pulang mata, nagkakasabay sabay na ang mga bagay bagay na wala sa plano nila na dahilan ng kakaibang atmosperang nakapalibot sa kanila.

       " She's at the Hospital " saad ng isang babae sa tatlo pang babae na nasa loob ng kweba.

      " I guess they're problematic now lalo na at dinagdagan pa natin. " Saad ng isa at natatawa pa ito.

      " They're not paying their whole attention on us at first but now… let's start the chase. " Saad ng isang may dinidikdik sa bato.

      " Let's enjoy it, shall we? " Tanong ng isa na kinangisi naman ng lahat.

      Lahat ng plano umuusad peeo ang tanong, sino ang huling hahalakhak?

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon