Third Person's POV
Ilang segundo lang matapos maiapak ang mga paa ni Kineya sa bagong paaralan ay nakakuha na agad siya ng atensyon.
Lahat ng madadadaanan niya ay napatitigil at napapatulala sa kaniya. Ang mga kalalakihan ay hinahangad siya habang ang mga kababaihan naman ay kinaiinisan at kinaiinggitan siya.
Hindi na lamang ito pinansin ni Kineya at dere-deretsong naglakad papuntang kung saan niya.
'It's exciting! They will be my classmates! Hohoho I'm looking forward for the show little Terrese'
Nagbell na kaya naman lahat ay nagsipasukan na sa kaniya kaniyang klase maliban na lang kay Kineya na naghahangad ng grand entrance at gusto niyang sirain ang introduction ni Terrese sa harapan.
'Start now!'
" Hi! I'm Terrese Lily Creos! 19 years old and I hope we can be-- " naputol sa ere ang sasabihin ni Terrese ng biglang may kumatok sa pintuan.
Binuksan ng guro ang pintuan at nagulat sila ng bigla itong tumawa gayong napakasungit naman ng gurong iyon.
Napapaisip sila kung sino ang naroroon at napatawa ang guro nilang pinaglihi sa sama ng loob ngunit hindi nila inaasahan ang bubungad sa kanila.
" I'm sorry I'm late… " saad ng babae sa pintuan at ngumiti ng matamis sa kanila.
Isang babaeng mala dyosa ang ganda, boses na nakapanghahalina at ngiting nakakasilaw. Sinong hindi matutulala kung ito ang bubungad sayo?
Lahat namamangha sa dalaga maliban sa babaeng nasa unahan. Nanggagalaiti ito dahil sa nakuhang atensyon mula sa kaniya.
" It's okay, please come in and introduce yourself. " Saad ng guro na naging dahilan sa pagkalaglag ng panga ni Terrese.
Nagsasalita pa siya sa unahan ngunit para bang sinipa siya paalis sa unahan, hindi man siya napahiya sa buong klase nadurog naman ang pride niya kaya wala siyang nagawa kundi maupo nalang.
Palihim namang napangisi si Kineya dahil tagumpay ang plano niyang sirain ang umaga ni Terrese.
" Ahm hi? I'm Kineya Estelle Villarosa. I'm already 19 years old and please take care of me! " Saad ni Kineya at yumuko sa harap ng lahat na siya namang ikinataranta ng mga ito.
Lahat ng estudyante ay nagreact dito at pinapatayo siya ng maayos.
" Let's be friends! "
" We will take care of you! "
" You're so beautiful! "
" Angel! "
Ilan lamang iyan sa mga naging sagot ng mga estudyante na siya namang ikinangiti ni Kineya na naging dahilan para mapatulala na naman ang lahat.
'Geesh isang ngiti lang tumba na sila..'
Pinaupo na siya ng guro at natahimik na ang lahat ngunit may mga nagbubulungan parin at sumususulyap kay Kineya na siya namang nginingitian ni Kineya dahilan upang mamula ang mga ito.
Magsasalita na ulit dapat ang guro ng bumukas ang pintuan at nagsimulang mag ingay ang mga kababaihan.
Sino bang hindi? Kung ang sikat na Emperors ang kaklase nila?
![](https://img.wattpad.com/cover/288391718-288-k568052.jpg)
BINABASA MO ANG
I Became The Villainess 🌟
FantasyBeing transmigrated in the world of novel was impossible but what will you do if it's happen to you? How about you became the villain of the story? Or about the female lead was nothing but a bitch? Or the male leads finds you interesting? Or abou...