Chapter 48

8.5K 329 14
                                    

Third Person’s POV

Mabilis na umaandar ang mga sasakyan sa kalsada sa dis-oras ng gabi. Sunod sunod ang mga sasakyang itim na akala mo ay susugod sa gera ngunit sino ba ang may sabing hindi sila susugod sa  gera? Lalo na kung isang Prinsesa ang ililigtas nila.

Sa loob ng nauunang sasakyan nakasakay si Killian habang hawak hawak ang isang baril. Hindi siya mapakali lalo na at sa wakas ay may lead na siya kung nasaan ang kaniyang anak. Andaming tumatakbo sa isipan niya lalo na at sa mata niya ay isa paring bata si Kineya.

Maaaring hindi niya ito tunay na anak ngunit si Kineya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya lalo na at nag-iisa lang siya sa buhay. Si Kineya lang ang nanatili sa tabi niya kahit na sa maikling panahon lamang at nangako siya sa sarili niyang ibibigay niya lahat ng makakaya niya para maging masaya si Kineya sa mundo.

Handa siyang dumihan ang kamay niya at gamitin lahat ng kayamanan niya para mapanatili ang ngiti sa labi ni Kineya ngunit sino bang mag-aakala na hindi pa sila masyadong nakakatagal sa Pilipinas ay mangyayari na agad ito?

Nagsisisi siyang bumalik sa bansa dahil kung hindi sila bumalik marahil ay masaya pa ang pamumuhay nila sa ibang bansa, siguro ligtas si Kineya ngunit huli na para magsisi. Hiling lang niya na hindi niya makita ang anak na may kahit anong sugat dahil hindi niya alam kung anong magagawa niya.

Sa sumusunod na sasakyan nasa loob ang limang kalalakihan at sila ang tinatawag na Emperors. Tahimik sila ngunit iisa lamang ang laman ng utak nila at iyon ay si Kineya.

Hindi nila alam kung kailan at saan nagsimula pero makikita nalang nila ang sarili nilang nakangiti at iisang dalaga lang  iniisip nila. Minsan makikita nalang din nila ang sarili nila na nakatitig dito at pinapangarap na makasama ang dalaga sa hinaharap.

Siguro nagsimula iyon ng makita nila siya sa isang Reunion, hindi nila mabawi ang mga mata nila sa kanya dahil para itong isang Dyosa na bumaba sa langit para sa kanila. Siguro doon nagsimula pero tinatanggi nila dahil sa nakaraan na meron sila pero hindi nila napapansin na mas lalo silang nahuhulog lalo na noong nanood sila ng Movie kahit na hindi maganda ang naging kinalabasan nito.
Sa simpleng galaw nito nakasunod ang mga mata nila, sa bawat tanong nito buong puso nilang sinasagot at sa bawat pagdaan ng mata nito sa kanila ay kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso nila.

Napapaisip nalang sila sa nakaraan kung saan ang babaeng kinahuhumalingan nila ngayon ay ang siyang humahabol sa kanila at naghahangad ng atensyon. Lagi itong nakasunod sa kanila kahit pinagtatabuyan nila, lagi din sila nitong kinakausap at ginagawa lahat ng pagpapansin para lamang tumingin sila sa kanya ngunit hindi iyon ang nangyari hanggang sa naloko sila ni Terrese na siya ay isang puro at mabait na babae at sinisiraan si Kineya.

Malaking pagsisisi ang naramdaman nila nang sumagi sa isip nila ang panahon kung saan may mga inutusan sila para bigyan ng leksyon si Kineya ngunit mabuti na lamang at hindi ito natuloy dahil hanggang sa kabilang buhay ay pagsisisihan nila ito.

Hindi nila alam kung bakit nila siya nagustuhan pero ang alam lang nila, handa nilang gawin ang lahat para sa kanya. Kapalit ng isang puno ng pagmamahal na ngiti.

Sa kasunod namang sasakyan kalmadong nakasakay ang apat na lalaki. Tahimik ngunit kalmado pero iisa lang ang tumatakbo sa isipan nila at iyon ay ang dalaga.

Hibang sila, hibang na hibang sa dalaga. Ang nag-iisang babae na pinangarap nilang makasama sa habang buhay. Ang babaeng pinapangarap nilang apat, ang kinahihibangan nila. Na sa sobrang pagkahibang, alam na nila ang bawat amoy at bawat paghinga nito at kung minsan hindi nila mapigilan ang sariling gumawa ng paraan para makalapit di to.

Kailan nga ba nagsimula? Tatlong taon na ang nakakalipas ng makita nila itong may hinahabol na mga kalalakihan. Nakaramdam sila ng galit ngunit wala silang magawa hanggang sa kinailangan nilang umalis at muli nila siyang nakita matapos ang dalawang taon sa ibang bansa.

Obsession yan ang tinatawag sa kanila ng mga tao pero para sa kanila, isa itong uri ng tunay na pagmamahal at handa nila itong ibigay sa babaeng mahal nila kahit na sumakabilang buhay pa sila dahil para sa kanila, wala ng mas magiging mahalaga pa kay Kineya.

“ Today is her 20th birthday ” saad ng nagbabasang lalaki na si Caspian.

“ We’ll celebrate it especially that it's right time now… ” Saad ni Benedict na sabay sabay nilang ikinangiting apat.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon