Chapter 38

9.5K 367 5
                                    

Third Person's POV

         Lunes na at simula na naman ng klase, mag isa lang si Kineya sa kanilang lamesa dahil umuwi na sa kanilang probinsya si Aubrey.

         Aakalain mong nakikinig siya sa guro ngunit iba ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan niya ng maisagawa ang plano niya, masyado ng matagal ang hustisyang kailangan niyang ibigay sa tunay at orihinal na Kineya.

         Alam niyang kumikilos na din si Terrese kaya magpapatalo ba siya? Hinding hindi, kaya bawat plano ay tagumpay ang kalalabasan. Yun ang sisiguraduhin niya.

        Alam ba niya o hindi? Na mula sa kabilang row nakatutok ang apat na mata sa kaniya. Basta ang alam niya, nasa kamay niya ang lahat.

        Oras na ng breaktime at kasalukuyang nasa Cr si Kineya ng may matanggap siyang balita.

        'So kumikilos ka na ah?'

        Napangisi nalang siya sa magaganap na palabas mamaya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging resulta na mumunting role play na siya ang bida.

        " Estelle! " Napalingon siya sa pinanggalingan ng tawag.

        " Anwil " bati naman niya at hindi na siya nagulat ng halikan siya nito sa noo.

       Alam niyang may kakaiba ngunit hindi pa ngayon ang tamang oras para problemahin pa iyon. Kasa-kasama ni Anwil ang tatlo pang lalaki na sina Hendrich, Caspian at Benedict.

      " Let's eat " saad niya na sinang ayunan naman ni Kineya.

      " By the way, asan nga pala si Aubrey? " Tanong ni Hendrich na mukhang ngayon lamang napansin.

      " Actually I already knew what's happening to her. Thank you for taking care of her. " Sagot ni Kineya.

      " Of course, she's our friend too. " Saad ni Caspian at nagngitian silang lima.

      Sabay sabay silang nagtungo sa Cafeteria at hindi na nagulat si Kineya ng makitang magkakasamang kumakain sa isang lamesa ang Emperors at si Terrese.

       Lalo na sa nangyaring gulo sa party ng mga Delvage, siguradong gagawin lahat ni Terrese upang malinis ang pangalan niya sa grupo lalo na kay Hades.

       " Just sit here, kami na ang oorder. " Saad ni Hendrich na tinanguan naman ni Kineya at naghintay na nga lang.

       Naiwan sila ni Benedict sa mesa at hindi maiwasang magtama ang mga mata nila. Walang emosyon ang mukha ni Benedict pero meron siyang nakikita sa mata nito.

      Hindi niya mapangalanan ngunit pamilyar siya lalo na kung araw araw niya itong nakikita sa mga mata nila.

      Naputol ang pagtititigan nila ng dumating ang pagkain at nagsimula na ailang kumain habang nakukwentuhan.

      Mula naman sa kabilang mesa, hindi maiwasan ng Emperors na tumingin sa kanila lalo na ng makita nila kung paano tumawa si Kineya.

     Aminin man nila o hindi may kakaiba silang atraksyon na nararamdaman para sa dalaga ngunit sa mga nangyari sa nakaraan, magkakaroon pa ba sila ng kapal ng mukha na umasang may pag-asa?

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon