Chapter 8

14.9K 600 13
                                    

Third Person's POV

Napakatahimik ng buong paligid, ang kaninang mga nag-uusap ay tikom na ang bibig at ang ilan ay mga nakabuka at natigil ang tangkang pag-inom, pagkain o pagsasalita.

Everyone's eyes are like a camera, their stares following a certain girl. Nakasuot ng puting bestida, simple but elegant. Having an innocent yet goddess face and a body to die for is every girl's dream.

Who would have thought na may anghel palang bibisita sa kanila ngayong gabi?

Lahat ay nakatitig sa bagong dating at pinakakatitigan ang pinakamagandang babae na nakita nila. Sa isang banda, ang mga kalalakihan na kaninang masayang nag uusap ay nakatutok ang mga mata sa screen kung saan naroroon ang dalaga.

Napakaganda nito lalo na ang ngiti na nakapaskil sa mapupula nitong labi, napakaliwanag at nagniningning ang mata nito na tila hindi pa nababahiran ng kahit anong kasamaan ng mundo.

Kung ang mga lalaking hindi ito kilala ay tulala na at kung ano ano na ang naiisip, ano pa kaya ang limang lalaking naging parte ng buhay nito?

Ito ang dalagang iyon, ang dalagang nagawan nila ng malaking kasalanan at hanggang ngayon ay dala dala nila sa konsesya na halos hindi na sila patulugin.

Ang dalagang isang taon na nilang hindi nakita dahil inilayo ito sa kanila para magpagamot sa ibang bansa. Ang dalagang iyon na laging takot na takot sa kanila ay naririto na, kasama na nila.

Ang dating dalagang tulala at parang manika noon ay dinaig pa ang isang Dyosa sa taglay na kagandahan ngayon. Mukhang magaling na ito at mukhang masaya na sa buhay.

Sa kabila naman, isang dalaga ay nagngingitngit sa galit at inggit para sa dalagang pinakakatitigan ng lahat. Maayos na ang lahat para sa kaniya, nasa kanya na ang lahat, masaya na siya pero biglangay dumating.

Ang dalagang bagong dating ay isang malaking harang para sa kanya at siguradong sisirain nito lahat ng meron siya.

Nagsimula na muli ang kasiyahan ngunit marami pa ring mga mata ang nakatutok sa dalaga na talaga namang hindi nagugustuhan ni Killian na bahagyang ikinatawa ng dalaga na lalong ikinatingin at ikinatulala ng mga tao.

Hindi nila lalong maiwasang mas humanga dito lalo na kung sa bawat galaw at tawa nito ay napaka simple ngunit elegante.

Umupo sila at kahit papaano ay nagpatuloy ang kasiyahan, may iilang kumakausap kay Killian ngunit karamihan ay si Kineya lamang ang dayo na talaga namang hindi nagugustuhan ni Killian.

" Daddy, punta lang po ako sa powder room. " Paalam ni Kineya sa kanyang ama na ikinasingkit ng mga mata nito saka napabuntong hininga at tumango.

" Take care. " saad ni Killian sa anak at pinanood ito hanggang sa tuliyan itong makapasok sa Restroom.

Normal na nagtungo na sa powder room si Kineya at gaya ng inaasahan niya susunod at susunod sa kanya si Terrese na kanina pang masama ang tingin sa kanya.

What an easy thing to lure the snake.

Amoy na amoy niya ang inggit at galit nito na lalo lang nagpadali ng mga bagay bagay para sa kaniya.

Pumasok siya sa isa sa mga cubicle at kasunod noon ang pagbukas ng pinto ng Comfort Room na nakapagpangisi sa kaniya lalo.

Mukha ding madaling madali ito base na din sa lakas ng pagkakasara ng pintuan.

Nang matapos siya ay lumabas na siya at lumapit sa lababo upang maghugas ng kamay saka nanalamin.

Hindi man tumingin ay ramdam naramdam ni Kineya ang nag-aalab nitong tingin na tila gustong butasin ang pinakatitigan nito, tila gustong pumatay.

" You bitch! Pretending you're a saint! " Sigaw ni Terrese na kunwaring nagpagulat sa kanya at tinitigan niya agad ito. Hindi nga siya nagkamali dahil pulang pula na din ang mukha nito, malamang dahil sa galit.

" I'm sorry Miss but do I know you? " Tanong ni Kineya na lalong nagpagalit kay Terrese.

" What? Do you really think hindi kita makikilala? Pretending now that you don't know who I am? " Saad ni Terrese at lalong sumama ang tingin nito kay Kineya na inosente namang nakatingin sa kaniya.

" I'm sorry to offend you Miss but I really don't know who you are. Please don't get angry. " Sagot ni Kineya at nagsimulang manubig ang mga mata nito na talaga namang ang kinagulat ni Terrese.

" I'm sorry for forgetting you, my Doctor said I lost my memory. No one knows when I will remember it again. I do hope that you'll forgive me. " Dagdag pa ni Kineya at nagmumukhang kinakawawa ng kausap nito, na si Terrese.

Maya maya pa ang may pumasok na dalawang babae at kinagulat nila ang nadatnan nila.

Ang babaeng hinahangaan nila dahil sa pagiging mabait ay pinapaiyak ang dalagang ngayon lang nila nakita na may kakaibang ganda.

" I-im sorry. H-hik. I didn't m-mean to. " dagdag pa ni Kineya at nang makita ang dalawang babae ay nagulat siya.

Dali dali niyang pinunasan ang mga luha saka kiming ngumiti sa dalawang babae at lumabas.

Ang dalawang babae naman ay nakaramdam ng inis at disappointment dahil akala nila mabait si Terrese pero hindi pala, isa lang din pala itong mapagpanggap na tao.

Maling tao ang hinahangaan nila.

Habang si Terrese naman ay tuod pa rin sa kinakatayuan niya at hindi pa din ganon pumapasok sa isipan niya ang nagyari.

Nagpunta siya rito upang makilala ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya dito si Kineya na isang taon ng wala at inampon ng iba.

Hindi din niya akalain na ibang iba na ito sa dating Kineya, para itong ibang tao, hindi na ito ang Kineya na basat bastang sisigaw at lalaban sa kahit na anong oras.

Mas lalong nagpagulat sa kaniya ay kung gaano ito kasensitibo at ayon sa dalaga ay nawalan ito ng memorya ngunit wala siyang kasiguraduhan kung nagsasabi ba ito ng totoo o nagpapanggap lang.

Pagkalabas ni Kineya ay alam niyang nakuha na niya ang atensyon ng lahat lalo na noong nagpunas siya sa mga luha.

Lumapit si Kineya sa ama at umupo sa tabi nito ngunit ano pa at naging ama ni Kineya si Killian kung hindi nito napansin ang kakaibang bagay sa anak.

" Why are you crying? " Tanong nito sa anak habang pinagmamasdan itong mabuti ngunit umiling lang ito na ikinakunot ng noo niya.

" Tell me Kineya. " Saad pa nitong muli na tuluyan nang nakapagpasalita sa dalagang ngayon ay tumutulo na ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.

" It's just. T-there's a girl there. S-she's calling me b-bitch and saying t-that I'm pretending a saint and having a m-memory l-lost... " sagot ni Kineya at umiyak pa na nakakuha ng atensyon ng lahat lalo na at nakaproject na naman ito sa screen.

EDITED

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon