Third Person's POV
Tapos na ang klase at paglabas na paglabas palang ng mga etudyante nagkagulo na agad. Hindi dahil sa mga naggagwapuhang mga grupo ng lalaki mula sa swction ni Kineya kundi sa mga larawan na nakalagay sa School board.
Lumabas na si Kineya ng classroom at 'nagtataka' siya kung bakit ganoon na lamang siyang titigan ng mga estudyanteng nadadaanan niya.
Ang mga tingin ng mga ito sa kaniya ay panghuhusga at parang hindi kapani-paniwalang tingin. 'Nagtataka' siya sa dahilan lalo na at 'wala' siyang alam sa mga nangyayari.
Hanggang sa napadaan siya sa Hallway kung saan naroroon ang School Board at ganon na lamang ang 'pagkagulat' niya ng madatnan ang kanyang mga mukha na nakapaskil doon.
Karamihan sa larawan, ang mukha niya ay punong puno ng make up, nakasuot din siya ng sobrang ikli at hapit na hapit na uniform, kumakain ng bubble gum, at may kulay ang buhok. Malayong malayo sa Kineya na nasa harapan ngayon ng lahat.
Ang iba sa larawan ay ang mga pangbubully niya kay Terrese at pang aakit sa mga Emperors. May mga larawan din na tamang tama ang anggulo kaya mukhang nakikipaghalikan siya sa isang pangit at matabang lalaki.
Lahat ay mag panghuhusgang tingin kay Kineya hanggang sa dumating ang Emperors, ang grupo nina Anwil at si Terrese.
" W-what is this?! Sinong naglagay nito dito?! " Sigaw ni Terrese at tinatanggal ang mga larawang inaapi siya ni Kineya.
May mga nanggigilid pang luha sa kanyang mga mata kaya naman naawa ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanilam
Maging ang dalawang grupo ng mga sikat na kalalakihan ay nagtataka kung sino ang pasimuno ng bagay na ito.
Lahat bigla ay napatingin kay Kineya ng bigla itong sumigaw. Napagmasdan nila kung paano hawakan ni Kineya ang ulo habang nakatingin sa mga larawan na para bang may naaalala ngunit tanging sakit lamang ang nararamdaman.
" Ahhh!! " Nataranta ang lahat ng mahimatay ang dalaga ngunit bago pa man siya bumagsak ay nasalo na siya nina Anwil at Poseidon na malapit lamang sa kinatatayuan ni Kineya.
Agad na kumilos ang dalawang grupo at dinala sa Hospital si Kineya na ngayon ay 'walang malay' at lumuluha habang kumukunot ang noo na tila ba ay may nakikitang kung ano sa kaniyang isipan.
Nang maisugod sa Hospital ay agad dinala si Kineya sa Emergency room at tinawagan naman ng Emperors ang ama ni Kineya na si Killian.
Agad na nagtungo sa Hospital si Killian, balot balot ng kaba ang kaniyang puso ng mabalitaan ang nangyari sa kanyang Prinsesa.
" My daughter… " saad ni Killian ng makalabas ang Doctor sa Emergency room.
" Stable na po ang anak niyo, too much stress bad for her health at nalaman ko pong may Trauma siya at nakalimutan ang nakaraan niya? Maybe someone's trigger it or may bagay na nakapagtrigger noon. For now let's wait for her to wake up. " Saad ng Doctor at iniwan ang mga kalalakihan.
" Tell me, what's the cause of this? " Tanong ni Killian at tiningnan ang mga kalalakihan sa harapan niya.
Sa bahay naman ng mga Creos, ngingisi ngising lumabas ng Cr si Terrese. Nagtagumpay ang plano niya kahit na hindi siya ang dinaluhan ng Emperors ay ayos lang dahil ang plano niya simula palang ay ipaalala kay Kineya ang nakaraan.
'I'll do everything to destroy you!'

BINABASA MO ANG
I Became The Villainess 🌟
FantasyBeing transmigrated in the world of novel was impossible but what will you do if it's happen to you? How about you became the villain of the story? Or about the female lead was nothing but a bitch? Or the male leads finds you interesting? Or abou...