(Danielle's POV)
Pagkarating namin sa Ospital, dinala agad si Martin sa ER.
"Hanggang dito na lang po tayo." Pigil nung dalawang nurse na babae.
Isinara nila yung kurtina. Narinig ko yung sinabi nung isang doctor na nasa loob.
"Gun Shot. Bring him to the Operating Room."
Maya-maya pa, bumukas na yung mahabang kurtina at nilabas na nila si Martin na duguan. Nakapikit si Martin.
Sumunod kaming tatlo papunta sa may Operating Room pero pinigilan na kami nung nasa may pinto na kami at nakapasok na ang katawan ni Martin.
Umupo ako sa couch na malapit.
A tear fell from my eyes. He's in hurt. I need to help him but I can't do anything! Life is Bullshit!
Tumabi sakin si Fei at hinagod yung likod ko.
"It's okay. Come on, I know he will fight for you." Pag-aalo ni Fei.
2...
3...
3 and a half hour...
*Eeeengkk*
Bumukas yung pinto ng Operating Room at lumabas yung doctor na lalaki.
"Doc, kamusta na po siya?" Tanong ko.
"Maayos na ang lagay niya. Natanggal na namin ang bala na tumama sa kaliwa niyang balikat. Sa ngayon, inaantay na lang natin ang paggising niya at aalamin natin kung kamusta na ba ang lagay niya." Sagot nung doctor.
Napangiti ako. Mabuti naman. Alalang-alala ako sa kanya eh.
Maya-maya nilabas na nila yung katawan ni Martin at dinala sa private room. Sumunod kaming tatlo at kami na ang nagbantay sa kanya habang tulog pa siya. May benda yung kaliwa niyang braso at may blue na tela na nakasabit sa balikat niya at nakabalot sa braso niya, Ano nga tawag dun? Nalimutan ko tawag dun eh.
"Excuse me po, Ma'ams and Sir. Pa-fill up naman po nito." Approach nung Nurse.
Tumayo si Jai at siya na yung nag-fill up nung form.
Tumayo ako at lumipat dun sa upuan na katabi ng Hospital Bed ni Martin. Tumulo na naman yung luha ko.
"Mabuti na lang tama lang sa balikat ang na-tamo mo. Kundi baka matulad na naman ako dun sa dating ako na halos mamatay sa kakaiyak dahil muntikan ka nang mawala sakin. Hindi ko kaya, Martin. Mahal na mahal kita." Sabi ko habang umiiyak ako at hawak ko yung kanan niyang kamay at pinipisil-pisil ko.
Muli akong tumayo at nag-lean down para halikan yung noo ni Martin.
"Babalik ako, Martin. Magpapalipas oras lang muna." Paalam ko.
Lumapit ako kay Fei.
"Kayo na muna ang bahala sa kanya. Uuwi muna ako. Kapag nagising siya tawagan niyo ako." Paalala ko.
Ngumiti si Fei tapos tumayo at niyakap ako.
"Ingat ka, Danielle. Wag ka mag-alala, kami nang bahala sa kanya." Sabi ni Fei.
Tumalikod na ako at dumaan sa likod ni Jairus. Tinapik ko yung balikat niya saka na lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa labas ng ospital at pumunta sa kotse ko. May naka-dikit na note sa salamin ng kotse ko kaya kinuha ko ito.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...