Chapter 9 ♫ (EDITED)

677 8 5
                                    

(Danielle’s POV)

   Bumangon ako nang magising ako sa huni ng mga ibon sa paligid ko. Paano ako napadpad sa gubat? Ang huling pagkakatanda ko, nasa isang kwarto ako kasama si Drago habang uminom kami.

   Tumayo ako. Napatingin ako sa damit na suot ko. Naka-white lab gown lang ako. Yung suot ng mga pasyente sa ospital. Bakit suot ko ‘to? Nakayapak din ako tapos maraming puno sa paligid ko. Medyo blurred at maliwanag yung paligid. Nagsimula akong maglakad-lakad. Maya-maya pa nakarating na ako sa isang ilog. Malinaw ang tubig.

                  

   “Anak…”

   Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Daddy. Papalapit siya sa akin. Naka-all white siya na damit—Yung funeral suit niya. Para akong bumalik sa pagiging ten years old ko, tumakbo ako palapit sa kanya at hinagkan ko siya ng mahigpit.

   “Daddy, namimiss ka na namin.”

   Ginulo niya ang buhok ko. “Ikaw talaga. Big girl ka na, anak. Tignan mo oh, 18 ka na! Kaya mo nang tumayo mag-isa mo. Mahal na mahal ka ni Daddy, anak.”

   “Mahal na mahal din kita, Daddy. Bumalik ka na please.”

   Nginitian niya ako. “Masaya na ako dito, anak. Wag kayong mag-alala, binabantayan ko naman kayong tatlo kahit saan kayo magpunta eh.”

   “Daddy…”

   “Danielle!”

   Napalingon ako dahil may isa pang tumawag sa akin. Puti ang pantaas niya at itim ang pantalon niya. Sa naaaninag ko, naka-white tuxedo siya at black pants pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Sino siya?

   “Mauna na ako, anak. Mag-iingat kayo palagi. Mahal na mahal ko kayong tatlo.” Sabi ni Daddy tapos tumalikod na.

   Papalapit yung lalaking tumawag sa akin pero tinalikuran ko siya at hinabol si Daddy. Tumagos siya sa parang rehas. Pagtingala ko, malaking kastilyo pala yung pinasukan ni Daddy. Sinubukan ko kung makakatagos ang buong katawan ko pero braso at mga paa ko lang ang nagagawa kong ilusot sa mga butas ng rehas.

   “Danielle… Hindi ko alam kung maniniwala ka ba sa sasabihin ko na sa pagtitig ko pa lang sayo araw-araw dati kahit malayo ka sa akin, pakiramdam ko nahuhulog na ako sayo. Lalo pa nung marinig ko yung boses mo. Kahit sinaktan mo ko nun, ayos lang. Basta ikaw ang mananakit sa akin tatanggapin ko ng buong buo. Ewan ko, siguro sobrang bilis naman kung sasabihin kong mahal kita, pero yun kasi talaga yung nararamdaman ko. Mahal kita eh. May magagawa ba ako? Sana lang gumising ka na. Isang buwan ka nang tulog. Bumalik ka na please, maraming nangangailangan sayo dito sa mundong ibabaw. Maraming nagmamahal sayo… isa na ako dun.”

   Sinubukan kong lingunin yung boses pero pagtalikod ko, nagblack out ang paligid. Pagdilat kong muli, bumungad sa akin ang puting kisame. Sinipat ko ang paligid ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Sa tabi ng hospital bed ko, naka-upo sa monobloc si Nerd Guy at hawak ang kamay ko. Nilayo ko agad yung kamay ko at bumangon.

   “Bakit nandito ako?”

   Lumapit sa akin si Cyrus. “Danielle, bakit mo sinaksak ang sarili mo?”

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon