(Martin's POV)
Habang nagluluto si Danielle ng paborito kong ulam, nanonood naman ako sa salas niya ng TV.
Napagitla ako nung may magvibrate sa sofa. Tinignan ko kung ano yun. May tumatawag sa phone ni Danielle pero unknown number lang.
"Uhm, Beb, may tumatawag sa phone mo." Inform ko sa kanya.
"Sino raw, beb?" Tanong niya habang nag-aasikaso ng mga ingredients.
"Unknown number eh. Sagutin ko ba?" Sagot ko saka hinawakan yung phone niya.
"Paki-dala na lang dito. Ako na lang sasagot." Sabi ni Danielle.
Tumayo ako at ibinigay sa kanya yung phone niya.
Sinagot niya ito at Itinapat sa tenga niya saka itinuloy ang pag-aayos ng ingredients.
"Halooo?" Malambing na may halong pagtataray na bati ni Danielle.
"Uh-huh. Hmm. Yes..." Sagot ni Danielle.
Napatigil si Danielle sandali saka binitawan yung inaayos niyang ingredients at hinawakan niya yung phone niya.
Yumakap ako sa bewang niya mula sa likod at inamoy-amoy yung leeg niya.
"What about him?" Tanong ni Danielle.
Bigla akong natigilan sa pagpapak sa leeg ni Danielle nung marinig ko yung sinabi niya. What About him? sinong him?
"Si Cyrus nadukot?" Gulat na tanong ni Danielle.
Ha, ano daw? Si Cyrus?
"Sige-sige, pupunta ako dyan." Sabi ni Danielle. "HIndi okay lang. Sige na, I'll go ahead." Dagdag ni Danielle saka na ibinaba ang tawag.
Nilagay ni Danielle sa bawat maliit na mangkok yung mga ingredients tapos inilgaya sa fridge.
"Teka, beb. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Don't tell me, makikihanap siya kay Cyrus?
"Tutulungan ko lang sila Mika. Nawawala si Cyrus." Sagot ni Danielle na nagmamadali.
Tinanggal niya na yung apron niya at ipinatong sa kitchen table tapos umakyat kaya sinundan ko siya.
Dumiretso siya sa cabinet niya tapos kinuha niya yung leather jacket at white sleeveless shirt. Nagulat ako nung pati black leather pants kinuha niya. Inihagis niya yun sa kama. Napatingin siya sa akin nung mapansin niyang nasa may pinto ako.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...