First of all, I'm very sorry kasi sobrang tagal bago ko mai-update ito. May mga Ideas naman ako sa isip ko, sadyang tinatamad lang ako. Ayan tuloy, hindi na halos lumalago yung reads. :) Sige na nga, alam ko namang hindi niyo 'to babasahin. I LOVE YOU NA LANG. :)
P.S. Inedit ko po pala yung Chapter 66 ha. :) Hindi na floral dress at red flat shoes yung suot ni Danielle. :)
---------x
(Danielle's POV)
Akala ko sa EK niya ako dadalhin pero nagulat ako nung pumunta kami sa Star City. Bumili siya ng dalawang tickets na ride all you can tapos hinila niya na ako papasok.
Pumunta kami sa may Pilahan ng Star Flyer. Sabi niya nasakyan niya na raw yun nung kasama niya yung mga ka-gang niya dati. Astig daw kaya heto at pumila din kami. Mukha nga namang astig. Pero... ayoko na rin sana. Naalala ko kasi nung sumakay kami ni Matthew sa Space Shuttle dati, mula nun di na ulit ako sumasakay sa mga delikadong rides. Or should I say na hindi pa ulit ako pumupunta sa Amusement Park. I'm scared, Don't you remember that?!
Nung kami na yung sumunod, hawak-hawak ni Martin yung kamay ko habang papunta kami sa may upuan. Mataas yung upuan. Tinulungan niya akong umupo tapos siya naman umupo sa tabi ko. Grabehan lang, nakaupo pa kami sa unahan. Ayos 'no?
Nagsimula ng umandar yung ride. Dahan-dahan lang at first. Napahiyaw pa nga ako nung tumigil nung paakyat na eh. Grabeng kaba 'to. Shet langs.
Hinawakan ni Martin yung kamay ko. Lilingon dapat ako pero naka-harang yung malaking parang life-vest. Nagsimula nang umakyat ng umakyat kaya mas lalo akong kinabahan. Mas lalong mas lalo na nung bumilis yung takbo at biglang pumihit pababa yung sinasakyan namin.
"WHAT THE FUUUUUUUUUUUUUUCK! CURSE YOU MARTIN VILLA FUENTE! KYAAAAAAA!"
Nagtuloy-tuloy yung ride na puro sampal ng hangin ang natatanggap ko. WHAT THE FUCK! HINDI NA AKO SASAKAY ULIT DITO!
Hindi pa nakuntente yung ride na 'to, umikot pa tapos biglang pihit ulit pababa. WHAT THE FUCK!!!!!!
Pagtapos ng ride na yun, bumaba kami ni Martin. Tawa lang siya ng tawa habang paalis kami sa may ride.
"Grabe ka kanina, Beb. Parang papatayin mo ko eh." Tuwang tuwa niyang sabi.
"Gusto mo ng sapak, Martin?"
"I'm just joking, Beb. Ikaw naman."
Sinamaan ko siya ng tingin. "JOKING?! HOY MARTIN HINDI BIRO YUNG PAGSAKAY NATIN DUN! HINDI NA AKO UULIT DUN!"
"Ows? Bat napapangiti ka dyan?"
Umiwas ako ng tingin. SHET. Ngumingiti ba talaga ako kanina? Walastek.
Nagulat ako nung sumunod na hilahin niya ako papunta sa may Star Frisbee. WHAT THE FUDGE?!
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...