My Borrowed Love (Chapter 51)

272 1 0
                                    

(Danielle's POV)

"Danielle, dito ka muna ha? May o-orderin lang ako sa baba para may pagkain tayo." Paalam ni Martin nung maka-upo na ako sa Stool Chair sa Kitchen niya dito sa Condo Unit niya. 

Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi saka na naglakad palayo. Bago siya lumabas ng pinto may pahabol pa siyang sinabi.

"And please don't check out the other room upstairs if you're going to our room. Something's scary there. Goodbye~" Saka niya na sinara ang pinto.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung accidentally kong makita si Matthew. At hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. Siya ba talaga yun? Anong nangyari? Tsaka bakit hinahanap niya si Martin?

Tumayo ako at nagtungo sa Ref at kumuha ng Rootbeer. Haay... Gusto kong mag-relax. 

Kumuha ako ng Chips sa Cabinet at dinala na ito kasabay ang Rootbeer papunta sa living room. Itinaas ko ang paa ko sa center table saka kinuha ang remote sa sofa at pinindot ang power on. Haay. Katamad talaga!

Nilipat ko sa Disney Channel at sakto! Phineas and Ferb yung pinapalabas.

"Mmmoooommm~ Phineas and Ferb are making a tydical sequence!" Naiiritang sigaw ni Candace. *DEEENG!* At tumunog na yung electric guitar nila Phineas.

Nung tinamad na akong manuod pinatay ko na yung tv at tinapon sa basurahan yung can at yung balat ng chips na kinain ko. Inaantok ako... Umakyat na ako at bubuksan na dapat yung pinto ng kwarto namin ni Martin nung bigla akong may narinig na parang may nabasag sa kabilang kwarto. Kinabahan ako. Ano yun?

"You're too naughty, Babe. And please don't be too excited." Saway nung isang boses sa kabilang kwarto.

Hala? Anyare? 

Lumapit ako sa kabilang pinto at pipihitin ko dapat yung doorknob nung biglang may humatak ng kamay ko.

"I said don't check that out." Seryosong bulong sakin ni Martin.

Para siyang si Edward Cullen na basta-basta na lang sumusulpot.

"But why? Dati naman dyan ako nagdo-drawing ng mga blue prints ng mga nagpapagawa sakin ah? Bakit pinagbabawalan mo na ako ngayon?" Nagtataka kong tanong.

"Basta hindi ka papasok dyan. Danielle, kapag sinabi ko, sinabi ko. Alam mo yan." May pagbabanta sa boses niya.

I rolled my eyes. "I don't care. Kung wala kang tinatago, di mo ko pagbabawalang buksan 'tong punyetang pinto na 'to." Pilit ko pa rin saka ko siya pinandilatan ng mata.

Humarang siya sa pinto. "Bawal ka nga kasing pumasok! DI mo rin pwedeng buksan 'tong pinto!" Mapilit niyang bulong sakin.

Hinawakan ko yung pihitan ng pinto. "Sino tinatago mo dyan?! May babae ka 'no?!" Sigaw ko sa kanya. Pinipilit kong pihitin yung doorknob pero tinataboy niya yung kamay ko.

"Ooohh~ Aaahh~ " Magkahalong boses ang narinig namin sa loob.

Wait. Ano ba kasing nangyayari sa loob ng kwartong 'yan?

Nakahawak si Martin dun sa pihitin ng doorknob kaya tinulak ko pababa ko yung braso niya. Pumihit yung doorknob at natumba si Martin dahil naka-sandal siya kanina sa pinto. 

*Creeekk*

"Fck! Oh sht! Oh sht!" Cuss ng lalaking nakatalikod samin. 

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon