(Matthew’s POV)
2 weeks have passed. Balita ko magaling na naman daw ‘yung mga pasa ni Danielle although hindi pa nga lang nawawala ‘yung marks niya. Actually nakita ko siya kanina sa Cafeteria, kumakain mag-isa. Ngayon nandito siya sa library sa may malayong table. Dulo sa dulo kami. Kasama ko si Rieley, ‘yung bestfriend ko. Nagrereview kami pero di ako makapag-concentrate dahil napapatitig talaga ako kay Danielle. Maya-maya pa, napasunod ako ng tingin sa kanya nung bigla siyang tumayo. Napatigil si Rieley sa pagsasalita niya nung nakita niyang lumapit sa amin si Danielle. Kinapa ko yung bulsa ko. Actually hanggang ngayon hindi ko pa naibabalik yung phone niya.
“Give me my phone, Nerd.”
Napalingon ako nung tumayo si Rieley at tinulak si Danielle.
“Bakit ba parati mo na lang binubully yung bestfriend ko ha? Namumuro ka na sa akin ah!” Rieley said.
Tumayo ako at pumagitna sa kanilang dalawa. Pinigil ko si Rieley kasi baka masabunutan niya pa si Danielle at magkagulo pa sila.
“Excuse me, miss. I’m just asking for my phone. I’m not doing anything.” Danielle said coldly.
Pinilit kumawala ni Rieley kaya nung makawala siya tinulak niya ulit si Danielle. “Babawiin mo na lang yung phone mo kailangan mo pa siyang sabihan ng Nerd? Bakit? Para saan? Para lang makapang-bully ka?”
Pinigil ko ulit si Rieley. Pumagitna ako sa kanila tapos humarap ako kay Danielle. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone niya saka inabot sa kanya. Dinampot ko yung mga gamit namin ni Rieley saka ko na siya hinila palabas ng library.
“What was that?! Ano, Matt hahayaan mo na lang na palagi kang inaapi ng babaeng yun? Don’t be like that! Punong-puno na ko sa mga pinaggaga-gawa niya eh! Lumaban ka naman para sa sarili mo!” Rieley said nung makarating kami sa VF paradise.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso saka tinitigan sa mga mata. “Stop, Rieley. Calm down! I can take care of myself.”
Humawak din siya sa magkabila kong braso tapos parang hindi siya mapakali sa ginagalawan niya.
“Hindi ko alam, Matt. Kasi naman, ayokong may umaapi sayo. Syempre, bilang bestfriend mo, karapatan kong ipagtanggol ka. Para namang wala akong kwentang bestfriend nun sayo kapag hindi kita ipinagtanggol kapag inaapi ka na.” She said.
Hinila ko siya at niyakap. I’m lucky to have her as my bestfriend.
“Don’t you worry too much, Rie. I’m a big boy.” I smiled at her.
“Be sure about that, Matt.” She smiled back.
“Yes, bestfriend!”
She suddenly gripped the sleeves of my uniform and pulled me closer to her.
“Ouch ha. That’s ouch.” She whispered.
“Ano yun, Rie?” I said, still hugging her.
She wiped her eyes before pulling away. “Wala. Sabi ko tara na sa Cafeteria. Baka nag-aantay na dun sila Chelsea.” Sabi niya saka na ako hinila papunta sa Cafeteria.
∞
Nung makarating na kami sa Cafeteria, nagpaalam ako kay Rieley na mauna na siya at mag-oorder lang ako ng pagkain namin.
Nung malapit na ako sa pila, I took out my wallet, get the money and put it back on my pocket. Nagulat ako nung may biglang tumulak sa akin kaya napasubsob ako dun sa nasa tapat ko na nakapila—which is si Danielle. Tinulak niya ako.
“What the fuck is your problem, nerd?!” She yelled.
The people behind me laughed. When I turn around, I saw a group of boys and girls laughing at me.
“I—I’m s—sorry—“ I was about to apologize but Danielle turned her back at me and stormed off from the scene.
I decided to just go back to where my friends are.
“Oh anyare?” Chelsea asked.
“Ha?” I asked back.
“Matt, where’s the food?” Rieley asked.
“Ah—eh, ang haba ng pila eh.” I lied.
“Dibale, ako na lang ang bibili.” She said.
Tumayo na siya at pumunta sa bilihan ng pagkain.
“Balita ko, binully ka na naman ni Black Feather?” Chelsea started.
“Uh… Kanina. Pero hindi naman talaga pambubully ‘yon. Tinawag niya lang naman akong Nerd—“
“Kahit na, Matthew. Ikaw ba, matutuwa ka kapag tinawag ka ng Nerd?”
“Kung siya rin naman ang tatawag sakin ng ganun, ayos lang.” I murmured.
“What?” She asked.
“Wala.”
Maya-maya pa, dumating na si Rieley na may dalang tray. Inalalayan ko siya na ilapag yung pagkain sa mesa tapos naupo na kami at kumain.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...