(A/N: Please play the music at the multimedia section. Thank you.)
(Martin's POV)
Pagkabukas ko pa lang ng music sa kotse ko halos gusto ko agad umiyak. Naaalala ko siya dito sa kantang 'to. It's been 2 years. Two fucking years pero mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam. Hnidi ko alam kung bakit hindi ko magawang mahalin si Althea gayong mas matagal ko namang minahal si Althea. I mean, mahal ko si Althea dati kasi akala ko siya si Danielle pero as time passes by, natutunan ko rin namang mahalin si Althea bilang siya. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang piliin si Althea. Pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya sakin pero ni hindi ko man lang siya pinapansin. Minahal niya ulit ako pero ngayon ni hindi ko na yun magawang suklian. Siguro kasi hanggang ngayon si Danielle pa rin yung laman ng puso ko. Oo, aaminin ko sa sarili ko na pinilit ko siyang kalimutan, pero hindi ko kaya. Sinubukan kong magalit sa kanya pero hindi ko matiis na magalit sa kanya ng matagal. Nasaktan ako dun sa mga sinabi niya 2 years ago. Yung sinabi niya na parang hindi naman daw worth it na ipaglaban namin yung isa't isa. Sobra akong nasaktan dun. Handa pa rin kasi akong lumaban pero sumuko siya. Akala ko magkasama namin yung haharapin pero hindi pala. Ang sakit-sakit kapag nalaman mong ikaw na lang yung nage-effort para mag-work yung relasyon niyo. Siguro nga we need space, pero maaayos ba ng space na yun yung relasyon namin?
Naaalala ko pa nung magkasama kami sa upper hill ng Villa Fuente Paradise. Ang sabi niya kapag nag-25 daw siya gusto niya magpakasal na raw kami. Ang sabi niya, hindi niya raw ako susukuan kahit anong mangyari. Sabi niya ipaglalaban niya raw ako kahit ano pang maging consequences nun. Ang sabi niya pa nga sakin, sinisimulan niya nang planuhin yung bahay na titirhan namin kapag mag-asawa na kami eh. Ang sabi niya, kahit sa west lang kami ikasal basta mahal na mahal namin ang isa't isa, papayag siya. Ang sabi niya handa raw siyang dumaan sa kahit anong problema basta kasama niya ako. Ang sabi niya kahit na anong mangyari, kahit magkahiwalay raw kami, mananatiling ako ang mahal niya. Sabi niya pa nga ako lang ang lalaking minahal niya eh. Pero bakit ganito? Parati kong sinasabi sa sarili ko na balang araw, patutunayan sayo ni Danielle na hinding-hindi ka niya iniwan, Martin. Patutunayan sayo ni Danielle na ikaw at ikaw lang ang nagiisa niyang mahal. Patutunayan niya sayo na kahit anong mangyari, ipaglalaban ka niya. Tandaan mo yan.
(Danielle's POV)
Dinampot ko ang phone ko nang ito'y tumunog. Tumatawag si Matthew.
"Hello?"
"Hi, Danielle!"
Sa loob ng dalawang taon na pagpaparamdam ni Matthew ng paunti-unti, napansin ko na ngayon hindi na siya masyadong aggresive. Dati-rati kasi gusto niyang magkahiwalay kami ni Martin at maging kami. Well, let's not talk about Martin. He's happy now with that Althea girl. Okay naman si Matthew ngayon. Napatawad na siya ng Feather Gang. And, well we're friends.
"What do you want now, Matthew?"
"Sama ka sa amin ni Mama! Pupunta kami sa mall para magshopping."
"May gagawin pa ako, Matt. Di ako pwede ngayon. Regards to Tita na lang."
"Sige na, Danielle? Please?"
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...