(Martin's POV)
"Bye, Beb. Ingat ka-este-Ingat sila sa'yo." Paalam ko sa kanya nung nasa pinto na kami ng Condo Unit ko.
♥Chuuu~
"Sira ka talaga! Sige na. Bye, Bebe." Paalam niya rin saka na tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
Nung nasa tapat na siya ng elevator at napansin kong bumukas yung elevator, tinawag ko siya.
"Beb!" Napalingon siya at nakita ko sa mga mata niya ang ?_?
Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"De, Seryoso na. Mag-ingat ka. Wag kang magpapabingwit, ipangako mo. Wag ka rin magpapaniwala basta sa mga nakikita mo, at wag ka basta mainiwala sa sasabihin ng iba, ha?" Paalala ko sa kanya.
Baka mamaya kasi, may makasalubong na lang siya bigla tapos magsabi ng kung anu-ano at bigla na lang siya mawala sakin. Di ko kakayanin yun.
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Martin. Tigilan mo na nga yan. Sige na, inaantay na ko ng mahiwagang elevator dito." Sabi niya pero alam ko bakas sa boses niya na medyo nalulungkot siya.
Tumalikod na siya at pumasok sa nakabukas na elevator. Kumaway siya ng mabagal sakin at bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator napansin kong may tumulong luha sa mga mata niya. Hinawi niya agad ito at ngumiti sakin. Tuluyan nang nagsara ang elevator kaya tumalikod na ako at naglakad pabalik sa Unit ko.
"Sino siya, Martin?" Tanong ng kapatid ko na malapit sa hagdan.
Tumingala ako. "Hindi mo na kailangan pang malaman. " Cold kong sagot.
Naalala ko yung sinabi sakin ni Mom dati. Nalaman daw ni Matthew na yung kaisa-isa niyang niligawan eh yung matagal ko nang hinahanap na first love ko, di niya sinabi sakin kaya parang kusang nabuo yung gap sa pagitan namin. Traydor siya. Yun lang ang alam ko ngayon. Hindi ko na siguro maibabalik pa yung buong tiwala ko sa kanya.
Pag-akyat ko, hinila niya yung kwelyo ko. Hindi ako gumagalaw. Hahayaan ko lang siyang sapakin ako pero tandaan niya, sasapakin siya ng pagmamahal niya sa mahal ko balang araw. Sigurado ako dyan.
"Anong nangyari sayo, Martin?! Bakit pakiramdam ko unti-unting tumataas ang gap natin sa isa't isa?!" Hindi niya ma-waring tanong sakin.
Ngumisi ako sa kanya. "Bakit nga ba? HAHA! Siguro dahil napupuno na naman ako dyan sa pagiging CASSANOVA mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya.
Nakaramdam ako ng kirot sa kanan kong pisngi. Sinapak niya ko. Unti-unti kong nalasahan ang mga dugo sa labi ko. Teka ha? Pasapak lang, isa lang talaga. Pwede ba?
Kinuyom ko ng sobrang higpit yung kamao ko saka ko siya binigwasan ng malakas. Napa-higa siya dahil sa lakas ng suntok ko.
"Tandaan mo 'to. Kapatid lang kita sa AMA kaya tinuturing kitang KAKAMBAL ko. Pero wag na wag mo kong gagaguhin dahil mas gago pa ko sa inaakala mo, Brother." Nanggagalaiti kong sabi sa kanya saka na ako tumalikod at papasok na dapat sa kwarto nung hilahin niya ng malakas yung paa ko.
(Third Person's POV)
"Shit! Yung phone ko, naiwan ko sa kitchen." Sabi ni Danielle saka bumalik sa elevator at pinindot ang number ng floor kung saan naka-assign ang Pad ng nobyo niya.
Pagkarating niya sa floor nito, dumiretso agad siya sa Condo nito at binuksan ang pinto.
'Bat nakabukas? Alam ko nagla-lock yun ng pinto ah?' Isip-isip niya.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...