Chapter 6 ♫ (EDITED)

770 8 5
                                    

(Danielle’s POV)

   Naka-upo ako sa swivel chair ko at may ginagawa sa desk ko sa loob ng Head Quarters. Inangat ko ang ulo ko nang marinig kong nagbukas ang screen door ng HQ. Pumasok si Mika. Napatayo ako nung ibang tao ang sumunod na pumasok sa HQ namin. Si Pink Lion. Princess of the Gangsters sa U.S. Pangalawa siya sa ranking ng mga gangsters na babae sa U.S. Ruijin Miinah ang totoong pangalan niya. Pink ang paborito niyang kulay at Lion naman dahil Leo ang Zodiac Sign niya. Isa siyang ¾ Filipino at ¼ American. Maputi siya at brown ang kulay ng buhok.

   “Anong kailangan mo, Pink Lion?”

   Naupo siya sa couch katabi si Jairus at Fei.

   “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Black Feather. Nandito ako para sumali sa grupo niyo.”

   “Tama ba ang naririnig ko mula sayo, Pink Lion? Sasali ka sa grupo namin?” Tumawa ako saka muling tumingin sa kanya. “Alam mong hindi madali ang mga binibigay naming pagsubok.”

   “Black Feather, kilala ako bilang Gangster na hindi titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto niya. I want a position in your group, Black Feather.” Tumayo siya at lumapit sa akin. She traced my neck up to my chin using her fingernail. “I am not Pink Lion for nothing, Black Feather.”

   “And I am not Black Feather for nothing, Ms. Ruijin Miinah.” I smirked at her. “Jairus, tawagan mo yung back up natin. Sabihin mo ayusin nila yung FG Battlefield. May bisita tayo. Galing sa U.S.

   Nasa loob ako ng Nissan GTR ko. Nagmamaneho ako papunta sa FG Battlefield. Kasalukuyan kong tinatawagan yung assistant kong lalaki na si Ranier.

   “Hello, Black Feather?”

   “Ranier, ihanda mo si A.”

   “Yes, Black Feather. Masusunod po.”

   Si A ang pinaka-una kong kotse. Regalo siya ng isang taong importante mula sa nakaraan. Isa siyang Ferrari Italia na puti.

   “May ipapahanda pa po ba kayong iba, Black Feather?”

   “Wala na, Ranier. Sasabihan na lang kita mamaya kung may ipapahanda pa ako.”

   “Sige po.”

   Ibinaba ko na ang tawag. Maya-maya, nakarating na kami sa FG Battlefield. Sinalubong kami ng back up namin. Dahil lima kami, pinabunot kaming lima ng isang back up member namin sa fish bowl.

   Fei got the number one. Kay Jai yung number two. Mika is number three. Cyrus is number four. I got the number five.

   Pinapili kami ng isa pang back up member sa challenge na ibibigay namin kay Pink Lion. Individual na pag-pili.

   “Mud swim sakin.” Fei said.

   “Basketball.” Jairus said.

   “Sword Battle.” Mika followed.

   “SOS sakin.” Cyrus said.

   “WHAT?” Nagkasabay-sabay na tanong namin kay Cy.

   “Anong what?”

   “Cy naman. Ang dali naman niyang challenge mo.” Fei said.

   “Madali eh hindi mo nga ako matalo.”

   “Aba! Loko ka ah!”

   “Tama na yan. Mag-dart ka na lang, Cy. Car Racing sakin. Ranier, ipahanda mo ‘yung pink na Ferrari Enzo sa garage.” I said.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon