My Borrowed Love (Chapter 50)

266 1 0
                                    

(Martin's POV)

"Beb, paki-dala naman 'to kay Ms. Orellano." Utos ko sa kanya tapos inabot ko sa kanya yung mga folders.

Tinaasan niya ko ng kilay pero tumayo pa rin siya.

"So utusan mo na pala ako ngayon?" Sarcastic na tanong niya.

"Sige na, Beb. Marami pa kasi akong gagawin eh." Pakiusap ko.

"Fine." Tsaka niya inabot yung folders at lumabas na.

*RIIIIIIINGG! RIIINGG!*

Sino naman 'tong tumatawag na 'to?

(Calling: Kristoff)

" 'Tol, bakit?"

[Pre, may balak mag-balik.}

Bigla akong kinabahan.

Balak magbalik... Parang kilala ko na yun ah?

"Sige, pagnatapos ko na 'to punta agad ako dyan sa Hideout natin."

[Pre, problema yun. Alam mo namang mahal nun si--]

"Wala akong pakielam. Nandyan ba siya sa Hideout natin?"

[Pre, wala ako sa hideout ngayon. May inaasikaso pa ko dito sa kumpanya namin eh. Tinawagan lang ako ni Prince, may mga kasama daw siya at kapag di daw siya pinasali ulit sa Gang natin, may mangyayari daw na masama.]

Nahampas ko ng malakas yung mesa sa harap ko. Nalaglag pa yung ibang folders. Bumukas yung pinto kaya bigla kong tinago yung phone ko.

"Anong nangyari, Martin?" Tanong agad ni Danielle.

Napatingin siya sa mga folder na nalaglag kanina sa sahig. Lumapit siya at kinuha yung mga folder.

"Lalabas lang ako." Paalam ko saka na ako tumayo at lumabas.

(Danielle's POV)

*BOOG!*

Kahit naka-heels ako, napatakbo ako papunta sa Opisina ni Martin.

"Anong nagyari, Martin?" Tanong ko agad.

Napatingin ako sa mga folder na naka-kalat sa sahig. Lumapit ako at pinulot ang mga ito.

"Lalabas lang ako." Paalam niya saka na lumabas.

Anong nangyari? Bakit parang na-badtrip siya?

*Eeengkk*

Napalingon ako sa pinto.

Anong ginagawa niya rito?

Tumayo ako ng ayos at inilapag na ang mga folder sa mesa.

"Matthew.." Banggit ko sa pangalan niya.

Ibinulsa niya ang mga kamay niya. "Si Martin?" Tanong niya.

Napa-kagat labi ako. "Wa...wala. Lumabas kasi siya eh." Medyo natatakot kong sabi.

"Ah. Oo nga pala. Secretary ka ba niya?" Tanong niya sakin.

Tinuro ko ang sarili ko. "A-ako? Hi-hindi ah." Sagot ko agad.

*TOK! TOK! TOK!*

"Danielle, yung pinto buksan mo." Utos ni Martin sa labas.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon