My Borrowed Love (Chapter 62)

129 0 0
                                    

(Martin's POV)

Lumipas ang dalawang linggo at magaling na kami ni Beb ko. Duon muna ako sa bahay nila habang nagpapagaling kaming dalawa.

Pagbalik ko sa condo unit ko, nanlaki yung mga mata ko.

Putangina, bakit makalat 'tong condo unit ko?! Puro damit na marurumi yung naka-patong sa sofa ko. May mga root beer at balat ng chips sa center table.

Naglakad ako papunta sa kusina.

Tokwa. Punong-puno ng maruruming pinggan yung lababo!

Tumakbo ako paakyat at dumiretso sa kwarto namin ni Danielle kapag dito siya natutulog.

May lalaking maputi na nakatapis ng twalya at nakatalikod. May kausap siya sa phone niya.

"Ano?! Dinukot si Charles?! Paano na yung plano namin?! Tangina. Gawaan mo yan ng paraan, Sam. Papunta na ko dyan. Magbibihis lang ako." Sagot ni Matthew.

Charles?! Magkasabwat sila ng Charles na yon?! Ng manyak na yon?! Tanginis.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa katabing drawer ng pinto ng kwarto ko tapos binuksan ko at kinuha yung baril ko. Tumunog yung drawer kaya napalingon si Matthew sa direksyon ko. Tinutukan ko siya ng baril. Agad niyang kinuha ang baril na nasa bedside table saka rin itinutok sa akin.

"Hayop ka, tinrato kitang kapatid tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin?! Sa amin?! Na-buko na kita, Matthew. Magkasabwat kayo ni Charles! Gusto niyo kaming paghiwalayin ni Danielle?! Kanino mapupunta si Danielle kapag naagaw niyo siya sa akin?! Pagpapasa-pasahan niyo na parang laruan?! Tangina, Matthew, anong nangyayari sayo?" Sigaw ko sa kanya.

"Mahal ko si Danielle at sa akin lang siya! Hindi ko siya hahayaang mapunta sayo dahil sasaktan mo lang siya!" Sigaw niya pabalik.

"Well atleast hindi ako yung lalaking mas gustong makipagtalik sa kung kani-kaninong babae kesa magpaka-seryoso at magtino para sa taong mahal niya." Sagot ko.

Nanggagalaiti niyang itinutok ng mariin sa akin yung baril.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Sigaw niya.

"Natamaan ka? Well sorry pero hinding-hindi ko yon babawiin. Paninindigan ko na sinabi ko yon." Sagot ko sa kanya.

"Tandaan mo 'to, Martin. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nababawi sayo. Akin lang siya. AKIN LANG!" Seryoso niyang sabi sakin.

"Matthew! Martin!" 

Napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Danielle. Halata sa mga mata niya ang pagkagulat.

Tumakbo siya at humarang sa gitna naming dalawa.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?! Magpapatayan ba talaga kayo?! Hindi magandang laro 'to ha! Tigilan niyo na 'to!" Pigil ni Danielle.

"Danielle, out of the way." Seryoso kong sabi.

Humarap siya sakin saka iniharang ang sariil niya.

"Stop!" Pigil niya.

"I said out of the way, Danielle!" Sigaw ko.

"Bakit ba?!" Pasigaw niyang tanong.

"Kasabwat niya si Charles!" Sagot ko agad.

Nanlaki ang mata ni Danielle. Agad siyang yumuko at sumipa patalikod kaya tumalsik yung baril ni Matthew.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon