(Jairus' POV)
"FEI!" "MIKA!" Nagkasabay naming tawag ni Cyrus.
Tumakbo agad kami ni Cyrus para puntahan yung dalawa. Nadulas pa nga si Fei eh. Mabuti na lang nasalo ko.
"FUCK! MIKA!" Sigaw ni Cyrus.
Napalingon kaming dalawa ni Fei.
May tama sa tagiliran si Mika. Lumingon ako sa may kanan. May lalaking nakatingin at parang tulala. Kinuha ko agad yung pistol ko at galit na ipinutok yung baril ko sa lalaki.
Lumapit kami ni Fei dun sa magsyota.
Nakita kong umiiyak si Cyrus habang yakap niya si Mika.
"Pagbabayaran nila 'to!! Tangina!" Sigaw ni Cyrus saka muling umiyak.
Hinagod ko yung likod ni Cyrus. Walang tigil sa pag-iyak si Cyrus. Syempre, mahal niya yan eh. Ang masama pa nito, buntis si mika, tapos nabaril. TSK! Ang tigas kasi ng ulo eh. Sabi na kasing kaya na namin eh.
Hindi ko alam kung paano namin na-kumbinsi si Cyrus na pumunta na sa ospital. Kanina dun sa may Abandoned resort nakaupo lang siya tapos yakap-yakap si mika. Actually, pangalawang kita ko pa lang sa kanya na ganyan siya. Una nung namatay si Danielle for 45 minutes. Sunod, eto.
"Tangina! Sisiguraduhin kong uubusin ko lahi nila!" Galit na galit na sabi ni Cyrus habang nasa labas kami ng OR. Tinatanggal pa nila yung bala sa tagiliran ni Mika.
Lumapit si Fei kay Cyrus saka hinagod ang likod nito.
"Sorry, Cy. Kung hindi dahil sakin hindi mababaril si Mika. Kung... kung hindi ako lumabas nun para bumili ng pagkain edi sana hindi hahantong sa ganito. I'm so sorry, Cy." Paumanhin ni Fei saka yumuko at umiyak.
Nilapitan ko si Fei tapos nag-squat ako ng upo paharap sa kanya. Nilapag ko yung dalawa kong kamay sa magkabila niyang tuhod.
"Wag ka na umiyak. Wag mong sisihin ang sarili mo, Fei. Hindi ikaw ang may kasalanan." Nag-aalala kong sabi.
Nakatakip lang sa mukha niya ang dalawa niyang kamay.
"No! Ako ang may kasalanan! Dapat hinayaan niyo na lang ako! Dapat... dapat hindi niyo na lang ako niligtas! Kaya ko naman ang sarili ko eh!" Pilit ni Fei haabng humahagulgol at nakatakip ang mga palad sa mukha niya.
Napasabunot si Cyrus sa buhok niya saka galit na tumingin kay Fei.
"Ano ba?! Pwede ba Fei?! Hindi kita sinisisi! Wala kang kasalanan! Bakit ba pinagpipilitan mong kasalanan mo kaya nabaril si Mika?! Hindi mo kasalanan, okay?! Wala kang kasalanan kaya pwede ba, Fei?! Tumigil ka nga! Punyemas!" Sigaw ni Cyrus saka tumayo at naglakad paalis.
Lalong napahagulgol si Fei nung sigawan siya ni Cyrus. Gago talaga yon si Cyrus. Sapakin ko yun eh! Kung di lang siya namomroblema sa fiance niya ngayon sasapakin ko talaga siya! Lanjo, di niya dapat sigawan si Fei!
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...