My Borrowed Love (Chapter 56)

259 2 1
                                    

(Danielle's POV)

*RIIIINGGG! RIIIIINGGG!*

(Calling: Fei)

"Hello?"

[Danielle... Danielle si Martin...]

Si Martin... Anong nangyare kay Martin? Nagpahinga lang ako kagabi tapos... 

Anong nangyare kay Martin?!!!

"What happened?"

[Danielle... Wala na siya.]

My jaw dropped. Kasabay nun ang pagkahulog ng phone ko mula sa kamay ko. 

Paanong nangyari na wala na siya? Sa braso lang siya tinamaan diba? Ano 'to? Gaguhan? Biruan? Taya-tayaan? ANO?!!

May namuong tubig sa mga mata ko at di kalaunan, bumagsak na ito.

Anong nangyari? Imposibleng wala na siya...

*Tok! Tok! Tok!*

"Ate! Ate Open the door!" Sigaw ni Precious mula sa labas ng kwarto ko.

"Ate ano ba?! Tumawag si ate Fei sayo! May narinig daw siyang nahulog tapos biglang nag-dial tone na. Ate!!!"

Napatulala na lang ako.

Bakit nangyayari 'to? 

Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng mawala... bakit siya pa?

"Mommy! Mommy!"

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng mawalan.... bakit ako pa? Bakit siya pa yung nawala? Sana ako na lang... Or sana si Charles na lang... Or sana yung mga kumokontra na lang sa pag-iibigan namin...

"Danielle!"

Medyo natauhan ako nung bigla akong mapa-upo sa kama ko. Naka-yakap sakin si Mom at umiiyak. Si Precious naman yumakap din.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayong bata ka." Iyak ni Mom.

"Mom... Mom wala na siya..." Bulong ko.

Umagos na ng tuluyan yung mga luhang hindi naman talaga dapat lumalabas ngayon.

"What? What-- What are you talking about?" Takang tanong ni Mommy.

"Wala na siya, Mom. Iniwan niya na ako." Iyak ko.

Binatukan ako ni Mommy.

"Tungak! Kausap ni Precious kanina si Fei! Nawawala daw nobyo mo!" 

ANO?! Nawawala?!

"Nawawala?!!" Pasigaw kong tanong.

"Oo! Kaya nga bilisan mo! Gamitin mo yang pagka-Gangster mo para hanapin yung nobyo mo! Pero mag-ingat ka!" -Mommy

Tumayo na ako at pumunta sa banyo ko.

Naligo lang ako saglit saka inihanda lahat ng kailangan kong armas para sa labanan.

Paglabas ko ng Walk-in-Closet ko, may inabot sakin si Mom.

New phone.

"Take it. Nandyan na yung sim mo. Yan na lang muna gamitin mo."- Mommy.

Kinuha ko yung phone at ibinulsa.

Humalik si Mom sa pisngi ko saka tinapik yung kanan kong balikat.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon