Chapter 4 ♫ (EDITED)

860 19 4
                                    

(Matthew’s POV)

   Habang nagdadrive ako papunta sa condo ko, may nakita akong pamilyar na babae na pumasok sa isang madilim at abandonadong gusali. Napagdesisyunan kong i-park ang kotse ko at tahimik na sinundan ang babae. Pumasok siya sa loob kaya pumasok din ako. Nagtago ako sa likod ng posteng pader nang lumingon siya. Nang sumilip ako, padiretso na siya sa hagdan.

   Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Hindi pa man ako nakaka-akyat sa hagdan, may narinig agad akong makena ng kotse na tumigil sa tapat ng building. Nagtago ako sa malapit na banyo. Narinig ko ang mga yabag nila at ang mga pag-uusap nila.

   “Bilis! Bilisan niyo na! Kailangan tayo doon ni Ice Queen! Baka magalit na naman siya!”

   “Oo, dre! Sandali lang naman! Alam niyo naman kasing may pilay pa ako tapos pinagmamadali niyo ako! Kayo kaya mapilayan tapos patakbuhin ko kayo!”

   “Tangina mo, Christian! Dami mong satsat! Malamang kapag di natin binilisan at nasugatan si Ice Queen pagagalitan tayo! Langhiya! Alam mo naman, kung si Ice Queen lang ang gugulpi at papatay sa atin ayos lang, pero kapag kasama ‘yung boypren niya? Jusko! Bilisan na natin baka magalusan ‘yun patay tayo kay Drago!”

   “Hoy, mga punyeta kayo! Magmadali na tayo! Daming satsat, puta! Christian bilisan mo! Parang tuod eh!”

   Unti-unti nang naglaho ang mga boses nila kaya lumabas ako at dahan-dahang umakyat sa hagdan. Nang sumilip ako, apat na lalaki ang nakatalikod. Nakita kong may hawak na baril si Danielle at nakatutok sa maliit na babae. Hindi ako pansin ng lahat dahil nasa madilim na parte ako. Biglang tinakpan ng lalaking may saklay ang mata ni Danielle gamit ng panyo saka tumabi sa maliit na babae. Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Danielle at sinuntok-suntok naman siya ng isang lalaking napansin ko na halos magyelo na ang mata sa sobrang cold ng expression nito. Ibinulsa ko ang kamay ko. Nakapa ko ang balisong ko sa bulsa. Inilabas ko ito at inilabas ko ang patalim ng balisong ko saka tumakbo papalapit sa isang lalaking may hawak sa braso ni Danielle.

   I have to do this. Alam ko kinalimutan ko na ang nakasanayan ko dati pero para kay Danielle gagawin ko ‘to. Magkamatayan na. Sus.

   Tumalon ako at tumukod sa balikat ng lalaki saka mabilis at mariin na ibinaon ang balisong na hawak ko sa kanan niyang balikat. Agad ko rin itong hinugot pagka-bagsak ko sa sahig. Tumayo ako at kumuha ng balanse. Susuntok dapat ‘yung lalaking nasa harap ni Danielle pero agad akong umiwas at sinaksak siya ng balisong sa tagiliran. Isinunod ko ‘yung isa pang may hawak kay Danielle at sinaksak din siya sa tagiliran. Lahat sila ay naiwang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

   “Christian, sugurin mo siya!” Sabi ng babae at tinutulak pa ang lalaking nagngangalang Christian. Sinasangga niya ang mga kamay ng babaeng tumutulak sa kanya.

   “Ano ba, Wendy! Kita mong pilay ako! Ikaw na ang sumugod at makipaglaban sa kanya!” Sagot ng lalaki.

   Umirap ang babae at lumapit sa akin. Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Agad akong umiwas nang sumipa siya pataas. Sinubukan kong ilapit ang balisong ko sa kanya ngunit nakaiwas siya agad. Sumugod siya at sumampa sa likod ko. Sinubukan niyang agawin sa akin ‘yung balisong ko pero pilit ko itong nilalayo. Bumaba siya at nagulat ako ng maglabas siya ng Ice pick sa tagiliran niya. Sinubukan niya akong saksakin sa tagiliran ngunit agad akong naka-ilag at sinaksak siya sa tagiliran niya. Agad siyang namilipit sa sakit at napaluhod. Napatitig ako sa balisong ko. Pinagawa ko ito dati at bawat masasaksak ng balisong na ito ay maaaring malason. Hindi matinding lason pero mamamaga ang parting masasaksak nito.

   Agad akong napalingon kay Danielle na nakahandusay sa sahig at walang malay. Tinago ko ang blade sa handle saka ibinulsa at lumapit na ako kay Danielle. Binuhat ko siya at mabilis akong lumabas ng gusali. Ipinasok ko siya sa kotse ko saka ako pumasok sa kabilang pintuan. Kinuha ko sa bulsa niya ang phone niya saka tinignan ang contacts niya. Bumungad sa akin ang pangalan na Cyrus. Nararamdaman ko na si Red Feather ito, ‘yung ka-gang niya kaya tinawagan ko.

   “Hello, Danielle?”

   Lumunok ako saka nagsalita. “Cyrus, kailangan ko ng tulong niyo. Nandito kami ni Danielle sa tapat ng Dream’s Nightmare Abandoned Building. Wala siyang malay dahil ginulpi siya ng mga ka-gang ni Ice Queen.”

   Napamura si Cyrus sa kabilang linya. “Papunta na kami dyan. Wag mong pagtatangkaan si Danielle kundi papatayin kita. Wag kayong aalis dyan. Papunta na kami.” Ibinaba niya na ang tawag.

   Tinitigan ko si Danielle. Hinaplos ko ang pisngi niya. Naka-unan siya sa mga hita ko. Ang kinis-kinis ng mukha niya at ang peaceful niyang panoorin kapag natutulog siya. Yung mga labi niya, nakakaka-akit, parang gusto ko itong halikan. Yung buhok niya ang lambot-lambot. Yung mga pilik-mata niya malalantik at bumabagay sa kanya kapag gising siya.

   Maya-maya pa, nakarating na ang mga ka-gang ni Danielle kaya dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni Danielle at lumabas ako.

   Kinwelyuhan ako ni Cyrus. “Nasaan si Danielle?” Mabigat ang paghinga na sabi niya.

   “Nasa backseat.”

   Tinulak niya ako saka niya binuksan ang pinto ng kotse ko at kinuha si Danielle. Lumapit sa akin si Jairus.

   “Pre, Jairus nga pala. Anong nangyari sa kaibigan namin? Bakit ginulpi?” Pinanlakihan niya ako ng mata.

   “Hindi ko alam ang dahilan. Basta sinundan ko lang siya sa loob at nakita ko na ginugulpi siya. Iniligtas ko siya gamit ng balisong ko tapos dinala ko na siya sa kotse ko.”

   “Maaari ko bang makita yang balisong na sinasabi mo?” Tanong niya.

   Lumapit sa kanya ang isang babae—na namukhaan ko, si Fei Clarkson, ang Playgirl Princess ng VFU. Kumapit ito sa kanya. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang balisong ko na may bakas pa ng dugo. Inilabas ko ang patalim nito at inabot kay Jairus. Tinitigan ito ni Jairus ng matagal pero napatingin siya kay Fei nang magsalita ito.

   “Babe, parang katulad ng balisong mo.”

   Inabot agad sakin ni Jairus yung balisong ko tapos nagpamulsa siya.

   “Yung motorbike pala… Paano gagawin niyo dyan?” I asked.

   “Ako na bahala.” Jairus said.

   Umalis na sila ni Fei at lumapit kay Cyrus at Mika. Dumiretso na ako sa kotse ko at umalis na.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon