Chapter 8 ♫ (EDITED)

718 4 3
                                    

(Cyrus’ POV)

   Sinabihan na namin si Tita Thea tungkol sa lagay ni Danielle kaya napilitan siyang umuwi sa bansa mula sa Singapore dahil sa sobrang pag-aalala niya. Halos siya na rin ang magbantay kay Danielle sa ospital dahil hindi naman kami pwedeng umabsent sa VFU dahil baka i-drop kami ng Professors namin.

   Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung Makita ko siya sa isa sa VIP rooms ng Shaker Box. Hindi ako makapaniwalang naglasing, nagdrugs at nagawa niya pang patayin ang sarili niya gamit ang dagger na may lason. Hindi ko alam kung kaninong dagger yun pero gangsters lang ang may dagger na may lason. Maaaring nakita niya ang dagger sa upuan sa VIP room at sinubukan niyang patayin ang sarili niya. Kung anuman ang dahilan niya, yun ang hindi ko alam at gusto kong alamin.

   Nandito kaming lima sa labas ng ICU. Kasama namin si Ruijin. Palagi na siyang sumasama sa amin. Nag-hihinala nga ako kung bakit pero parang wala naman siyang pinaplano kaya hindi ko siya mahanapan ng butas para palayuin sa aming apat. Parati niya ring nakakasama sila Fei at Mika pero hindi naming siya pinapayagang pumasok sa HQ na siya naming nirerespeto niya.

   Nagmask, nagnet at naglab gown ako bago pumasok sa loob ng ICU. Nakaupo si tita sa tabi ng hospital bed kung saan nakahiga ang natutulog na si Danielle. Hindi pa rin siya nagigising. May nakakabit na machine sa kanya. May oxygen tube na naka-salpak sa dalawang butas ng ilong niya. May naka-kabit din sa kanyang dextrose. Nilapitan ko si tita.

   “Tita, umuwi na po muna kayo at magpahinga. Kami na po muna ang magbabantay kay Danielle.”

   Umiling siya. “Salamat, Cyrus, pero hindi na. Gusto kong ako ang una niyang makita kapag nagising siya.”

   “Tita…”

   Pinaupo niya ako sa monobloc na katabi niya.

   “Alam mo Cyrus, nagsisisi ako na naging masyado akong workaholic simula nung mamatay ang Daddy nila, though napagtutuunan ko pa rin naman sila ng pansin pero alam kong kulang. Na-depress ako nung mamatay ang Daddy nila kaya itinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Tumayo siyang ate at instant daddy para sa kapatid niya though sobra siyang na-trauma to the point na ayaw niyang binabanggit namin sa hapagkainan ang Daddy niya, pero inalagaan niya ang kapatid niya. Hindi siya yung tipo ng ate na sweet pero kapag inaapi ang kapatid niya, ipinagtatanggol niya ito. Kapag umiiyak ang kapatid niya dahil naaalala nito ang Daddy nila, handa siyang magpayakap sa kapatid niya para lang maibsan ang lungkot na nararamdaman ng kapatid niya. Nararamdaman ko ang pagiging bato ng puso niya sa ibang tao, pero hindi ko naman siya masisi. Maaga siyang naulila sa ama niya eh. Sampung taon pa lang siya, namatay na ang Daddy niya.” Umiiyak si Tita habang kinukwento niya sa akin ang mga yun. Hindi yun naikwento sa akin ni Danielle nung High School kami pero naiintindihan ko siya dahil kung ako ang nasa posisyon niya, baka ganun din ang maramdaman ko. Kaya siguro nag-click kami ni Danielle, kasi parehas kami ng nararamdaman sa mga bagay-bagay. Nakakagulat nga na sa lahat ng lalaking nakikipagkaibigan sa kanya nung High School kami, sa akin lang siya nakipag-kaibigan. Sa akin lang siya malambot. Sa isa’t isa lang kami naglalabasan ng mga sama ng loob namin.

   “Tahan na po, tita. Umuwi na po kayo para makapag-pahinga na kayo. Ipapahatid ko na lang po kayo kay Jairus.”

   “Nako, wag na Cyrus. Kaya ko na naman ang sarili ko. Isa pa, may dala naman akong kotse.”

   “Sasabihin ko na lang po kay Jairus ipagdrive kayo.”

   “Ay nako, wag na nga sabi. Sige, mauna na ako, Cyrus. Umuwi na rin kayo maya-maya ha. Alam kong may klase pa kayo bukas.”

   “Ingat po, tita.”

   Dalawang linggo pa ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Danielle. Sabi ng doctor unti-unti na ring humihina ang katawan niya. Baka daw hindi na kayanin ng katawan niya ang lason at mamatay siya kaya kailangan nang makakuha ng gamot.

My Borrowed Love (Book One & Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon