AUTHOR'S NOTE:
New Year Special update. :) Bumabawi ako sa inyo. :) HAPPY NEW YEAR!
------------x
(Martin's POV)
Nung magising ako, may babaeng nakayuko sa tabi ko at parang natutulog. Katulad ng buhok niya yung buhok ni Danielle kaya itinaas ko yung kanan kong kamay at hinaplos yung buhok niya.
"Danielle." Napapikit ako nung makaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko. Shit. May saksak nga pala ako sa tagiliran.
Naramdaman kong inangat niya yung ulo niya kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa buhok niya pero di pa rin ako dumidilat. Masakit pa rin kasi yung tagiliran ko.
"Martin, baby."
Napadilat ako nung mapansin kong kakaiba yung boses. Pamilyar pero hindi boses ni Danielle.
"A-althea, what are you doing here?" I asked.
Pinilit kong maupo pero pinigilan niya ako. "It's okay, It's okay." Sabi ko sa kanya saka ko pinilit maupo. Medyo sumakit yung sugat ko sa tagiliran pero hinayaan ko lang.
"What are you doing here? Diba dapat nasa US ka?"
Naupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko. Napansin ko kung gaano kalungkot yung mga mata niya. Mamasa masa rin yung mga mata niya. Siguro kagagaling lang sa pag-iyak.
"Martin... Martin he's not like you..." She started to burst into tears.
"What do you mean?"
She looked at my eyes. "Akala ko okay kami... Akala ko... Akala ko ako lang talaga. Akala ko panaginip ko lang na may iba daw siyang babae. Akala ko mahal niya ako, pero Martin... Martin akala ko lang pala lahat yun." She choked and started to sob loudly. "Martin... I saw him with a lady last night. Tapos... nung sinugod ko sila, tapos napansin niyang ako yun, parang naging cold yung expression niya. Nagmakaawa ako na wag niya akong iwan pero bigo ako. Nakipag-break siya sakin at iniwan ako sa parking lot ng bar sa US. Martin, ano bang meron sa akin? Minahal ko naman siya eh. Ginawa ko naman lahat para sa kanya. I even gave my virginity to him tapos ganito yung mangyayari. Martin kaya ako pumunta dito kasi ikaw lang yung laam kong makaka-intindi sakin. Kahit wag ka ng mag-advice. Kahit... Kahit makinig ka lang okay na."
Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sakin. Tumango ako kaya tumayo siya at yumakap sakin.
After the hug, I cupped her face while she's crying. "Stop crying, babe. He's not worth your tears."
"Martin I heard about your break up with her. Martin, please tayo na lang ulit? I want to fall in love with you again. Just you."
Tumango ako. "Don't fall too hard, babe. I can't promise to catch you when you fall too hard. You know I love her that much, so please no."
Tumango-tango siya. Inilapit niya yung mukha niya sakin habang nakatitig siya sa mga labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya tapos bumaba yung tingin ko sa mga labi niya. Parang hinihigop ako nun at parang ang sarap-sarap halikan. Mas inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Her kisses almost drown me kung hindi lang talaga biglang bumukas yung pinto at may suminghap. Napalingon kami ni Althea at nakita namin dun si Mika at Cyrus. Si Mika yung suminghap habang si Cyrus nakatitig sa akin ng masama. Sumugod sila. Tinabig ni Cyrus si Althea tapos hinila ni Cyrus yung hospital dress na suot ko kaya napa-angat yung katawan ko.
BINABASA MO ANG
My Borrowed Love (Book One & Two)
AdventurePakibasa na lang po ng PROLOGUE :) [UNDER REVISION] MARAMING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP SA BOOK 1. Papalitan ko po ang pangalan ng ibang character at magdadagdag po ako ng character. Kapag na-edit ko na po ang isang chapter, lalagyan ko po ng: (EDITED)...